2: INVESTIGATION

1396 Words
(Detective Paul Cunanan) Ang pulisya ay bumuo ng special investigation team for the Gamboa Murder Case. Pinamumunuan ito ni Police Chief Inspector Romeo Calica. Apat kaming detective at isali pa si Police Senior Inspector Hugo Lambao. Hinarap ko ang dalawang lalaking nag-iinuman kagabi na nakakita daw sa panganay na anak na si Cenny Rose na nagmamadaling umais. Sila ay mga tricycle driver din katulad ng padre de pamilya ng mga Gamboa na si Lino. “Nagmamadali po talaga siya Sir. Halos tumakbo na nga po eh” sabi ni Mang Tonio. “Mga anong oras po iyon?” tanong ko sa kanila. “Mga mag-aalas-onse ng gabi” sagot naman ni Mang Burcio “Ano po ang suot niya?” “Naka-maong na pantalon tapos naka jacket ng kulay itim, yung may sumbrerong jacket.” Sagot ni mang Burcio “May bag din siyang dala, dahil tinanong ko kung anong laman at kung saan siya pupunta” sabi ni Mang Tonio. “Saan daw po siya pupunta?” tanong ko at inayos ang pagkakahawak ko sa recorder. “Saan na nga ulit siya pupunta pare?” tanong ni Mang Tonio kay Mang Burcio. “Sa bertdeyhan daw siya pupunta Ser. Doon matutulog sa pupuntahan” sabi ni Mang Burcio. “Ay oo, damit ang laman ng bag niya. Iyon lang Sir ang napag-usapan namin dahil nagmamdali nga siyang umalis” “May napansin ba kayong kakaiba sa ikinikilos niya?” tanong ko. “Wala naman Ser bukod sa nagmamadali siya, nakangiti pa nga sa amin Ser kasi tropa kami nun eh. Nakakalungkot talaga ang nagyari sa pamilya niya” “Oo nga Ser, hindi ako naniniwalang siya ang may gawa, mabait na bata iyon eh. Inggit nga ako kay Pareng Lino, napakababait ng mga anak at maaasahan” Tumango-tango ako at pinatay na ang recorder. “Maraming salamat sa pakikipag-cooperate. Tatawagan na lang namin kayo kapag may karagdagang tanong pa kami. Nasa amin naman na ang inyong mga contact number eh” “Sige Ser” sumaludo pa ang mga ito sa akin. Sinalubong ko si Ross na palapit sa akin. Siya ang kumuha ng CCTV footage sa may Mini Store. “Nakuha ko na ang footage, tara na sa presinto para ma-review na natin.” sabi nito. “Mauna ka na, may mga katanungan pa ako doon sa nakakita ng mga bankay eh” “Hintayin na kita, wala akong sasakyan ipinalinis ko. Tara sama na ako” Tumango at nagtungo na kung nasaan ang dalagita na nakakita sa mga bangkay. Nagbigay na ito ng statement, gusto ko lang ulitin para bawat sulok ng kaso ay gamay ko. Nilapitan namin ang dalagita na si Rommelyn at labing-pitong tanong gulang. Katabi nito ang kanyang ina dahil kailangan namin ng consent nito para sa interview dahil minor de edad pa si Rommelyn. “Rommelyn, handa ka na ba?” tanong ko. Tipid itong tumango at nagpahid ng luha. Binuksan ko ang recorder bago nag-umpisang magtanong. “Bakit ka napunta sa mga Gamboa?” tanong ko. Si Ross ay nasa tabi ko lang at tahimik. “Inutusan po ako ni Mama na sabihin kay Aling Dina na magpapalaba po kami” tumango ako. “Mga anong oras ka nagpunta?” tanong ko saka ko tinignan ang nanay nitong yakap pa din si Rommelyn at tahimik na nakikinig sa amin. Tumingin ito sa kanyang ina bago sumagot. “Mga seven po ng kaninag umaga” sabi nito bago humikbi. “Paano ka nakapasok?" “T-tinawag ko po si Aling Dina pero w-wala pong sumagot t-tapos tinulak ko po iyong g-gate nila. Bukas po iyon kaya p-pumasok na ako. Tapos pumasok po a-ako sa loob tapos ayun po n-nakita ko po sila Aling Dina at M-Mang Lino” sabi nito at humagulhol na sa bisig ng kanyang ina. Nakatingin kami ni Ross. “Tapos tumawag na po ako ng tao, na nakita ko paglabas ko” Pinatay ko ang recording device at tinignan ang ina ni Rommelyn. “Maraming salamat sa pagpapaunlak. Nasabi naman na po ata sa inyo na sasailalim po siya sa debriefing para po sa trauma?” Tumango ang ina nito at nagpasalamat na din. Tinignan ko si Rommelyn at nagpasalamat na. Habang nasa byahe papuntang presinto ay parehas kaming tahimik ni Ross. Parehas malamang kaming nag-iisip tungkol sa imbestigasyon namin. Ibinaling nito ang tingin sa akin bago ibinalik sa daan dahil ito ang nagmamaneho. “Siya nga pala nasa presinto na daw ang mga katrabaho ng supek na nakasama niya sa birthday’han” Tumango ako. “Na-interview na ba ni Arjay at Francis?” tanong ko na tinanguhan naman nito. Nang malapit na kami sa presinto ay nagring ang phone nito kaya napitingin ako sa kanya. Itinigil nito ang sasakyan sa harap ng presinto bago sinagot ang tawag. “Dad” Itinuro ko ang presinto para sabihing papasok na ako. Tumango ito at patuloy na kinusap ang kanyang ama. Anak siya ng aming Police Director General Rosselio Jimenez na namumuno sa buong kapulisan ng Pilipinas. Senator naman ang kanyang Lolo at Mayor Maynila ang kanyang Ina. Nadatnan ko doon ang mga sa tingin ko’y katrabaho ni Cenny. Nasa mga sampu sila. Sinalubong ako ni Arjay at Francis. Kanina pa sila nagumpisa sa pagtatanong sa mga ito at halos pare-parehas lang sila ng sagot. Ang sabi ng mga ito ay dumating si Cenny ng mga alas-onse sa terminal ng SUV dahil doon ang kanilang tagpuan at dahil doon sila sasakay. Wala rin silang kahina-hinalang napansin sa mga galaw nito. Ayon din naman sa kanila ay ngayon lang pinayagan si Cenny na mag-overnight dahil noon daw hindi ito pinapayagan kahit sa mga night outs nila. Nagkasiyahan daw sila kasama ni Cenny pero ng mga lasing na daw sila ay hindi na nila alam ang nangyayari sa paligid at hindi na nila alam kung saan ito napunta. Kung hindi pa nga daw nagtungo ang mga pulis sa bahay ng may birthday ay hindi nila mapapansin na wala si Cenny. Ang nakakapagtaka ay ang mga gamit nito ay naiwan sa bahay ng nag-birthday. Nilapitan ko ang mga gamit nito. Damit, charger, wallet at ang itim na hoodie ang laman ng bag. Wala ang kanyang phone. “Ahhh Detective!!” tawag sa akin ng isa sa mga katrabaho nito. “Naalala ko po may tumawag po sa kanya, nag-iinuman po kami noon tapos lumabas po siya” mabilis na sabi nito. “Kilala mo ba kung sino ang tumawag sa kanya?” tanong ko. Umiling lang ito at napahawak sa kanyang ulo. Alam kong may mga hang-over pa sila, kaya pinabilis ko na ang pagkuha ng kanilang details para makauwi na sila. “Cen can’t do that! Mahal na mahal niya ang pamilya niya” biglang bulalas ng isa sa mga kaibigan ng suspek. Hindi nito napigilang umiyak marahil ay dahil sa gulat sa mga nangyayari. “Oo, mabait siya, pero kung may mga ebidensyang nagtuturong siya ang gumawa ay hindi nga malabo” sabi naman ng isa. “Pinagdududahan mo si Cen!!” sigaw ng umiiyak na babae. Marinel ata ang pangalan at ito ang pinaka malapit kay Cenny. “Hindi naman sa pinagdududahan, pero nasaan ba siya ngayon? Buong pamilya niya ay walang awang pinatay pero missing in action siya?!!” sagot naman ulit ng isa. Hindi na sumagot si Marinel at umiyak na lang. Nang-makaalis sila ay pinuntahan ko si Ross. Ala-una na, kakain muna kami ng lunch bago ituloy ang imbestigasyon. Dalawang araw na ang nakalipas pero wala pa ring pagbabago sa kaso. Ang panganay na anak ay hindi pa rin makita. Laging laman ng balita ang nangyari sa pamilyang Gamboa. Ang mga nakalap na ebidensya ay wala pa ding maiturong supek kundi ang panganay na anak. Ipinapakita rin sa CCTV footage na parang aligaga at nagmamadali nitong galaw ng mahagip siya ng camera. Finger print niya ay nakita sa kutsilyo, bago iyon at na-trace namin kung saan niya binili. Nakausap namin ang tindero at nang ipakita ang larawan ni Cenny ay kinumpirama nitong bumili nga ang dalaga ng kutsilyo noong araw na iyon. Hindi makapaniwala ang tindero dahil naagbibiruan pa daw sila ni Cenny kung matalim ba talaga ang kutsilyong tinda nito at kung kaya na daw bang pumatay. Dahil sa statement ng tindero nang makasalamuha nito si Cenny ang lalong nagdiin sa kanya bilang suspek. “Find her, lagyan ng patong sa ulo. Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niyang karumaldumal na pagpatay sa kanyang pamilya.” Mariing sabi ng aming Chief Inspector Romeo. Napahilot ko sa aking sentido dahil sa sobrang pag-iisip. Nasaan ba kasi ang Cenny Rose iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD