(CEN)
I was staring at the TV while crying. It's all over the news, how my family was murdered. Sinasabi nilang ako ang may gawa, nais kong lumabas dito sa bahay ni Detective para sabihin sa kanilang lahat na hindi ako pero pinipigilan ako ng kanyang mga salita. Tama siya, kung hindi ko mag-iisip ng maayos at magpapadalos-dalos ay maari ngang ikasama ko lang at ng kaso.
Wala akong nagawa kundi umiyak na lang habang nakahawak sa aking dibdib. Ang hirap namang tanggapin na wala na sila. Ang hirap isipin na hindi ko na sila kahit kailan makakasama. Ang sakit na kahit sana sa huling hantungan man lang maihatid ko sila pero hindi pwede. Sabi ni Detective, kung nais kong mapanagot ang tunay na may sala ay kailangan kong makinig sa kanya.
Malaki rin ang posibilidad na pinaghahahanap na ako ng taong may gawa noon sa pamilya ko. Kailangan ko siyang makausap dahil baka iyong mga dumukot sa akin ay parte nito.
Pinatay ko ang TV at tahimik na umiyak habang hinihintay si Detective. I will make sure na magbabayad ang pumatay sa pamilya ko. Sisiguraduhin kong mabubulok ito sa bilangguan. Napakawalang hiya niya!! Hayop!!! Binaboy niya ang pamilya ko. Hindi ko nga alam kung ano bang nagawa namin sa kanya para gawin iyon! Demonyo!
Nag-angat ako ng ulo ng makitang pumasok si Detective. Agad itong nagtungo sa akin.
"Bakit ka umiiyak? Ayos ka lang ba?" agad na tanong nito.
Lalo lang akong naiyak dahil sa tanong nito. Nagulat ako ng bigla na naman ako nitong yakapin. Hindi ako pumalag dahil ito ang kailangan ko ngayon, karamay. Simula ngayon ako na lang mag-isa. Sarili ko na lang ang mayroon ako at ang galit na bumabalot sa puso ko.
"Look at me" sabi nito na agad ko namang sinunod. "Tell me everything that happened to you that night, noong umalis ka para maki-birthday" sabi ko.
Umayos ako ng upo habang pinupunasan ang aking mga luhang ayaw tumigil sa pagbagsak. Ilang beses akong bumuntong hininga upang mapigilan ang pag-iyak.
"Ikukuha muna kita ng tubig" sabi nito at agad na tumayo. Inayos ko ang sarili ko at pilit na ino-organisa ang aking isip.
Nang bumalik ito ay iniabot nito sa akin ang baso ng tubig at tissue box.
"Ire-record ko ang lahat ng sasabihin mo dahil ito ay magsisilbing alibi mo. Ito ay magiging malakas na ebidensya upang malinis ang pangalan mo. Ready ka na ba?"
Bumuntong hininga pa ako ulit saka tumingin sa kanya. Hindi ko alam ngunit sa tuwing tumitingin ako sa mga mata nito ay lagi kong nararamdamang magiging maayos din ang lahat.
"K-kagagaling ko lang sa trabaho noon, mga ten-thirty nang makauwi ako. Si Inay, lagi niya akong hinihintay gabi-gabi. Nainis ako noong gabing iyon k-kasi nalaman kong sinaktan na naman ni Itay si Inay. Lasing kasi si Itay noon eh. Nagpaalam ako kay I-Inay na kung pwede niya ba akong payagan na pumunta doon kina Pamela para maki-birthday. Ang saya ko kasi pinayagan ako nito." Pinunasan ko ang luhang tumulo mula sa aking mata bago nagpatuloy.
"Agad akong naghanda kasi iyong usapan namin ng mga workmates ko ay magkikita ng eleven kaya nagmadali ako. Nagkasayahan kami noon tapos may tumawag sa akin. Hindi ko kilala iyon, tapos maingay kaya lumabas ako ng bahay pero hindi pa din kami nagkakaintindihan kaya lumabas pa ako ng gate nila. Nagulat na lang ako nang may humintong sasakyan sa harapan ko tapos... tapos" hindi ko na maituloy ang nais kong sabihin dahil binalot na naman ng takot ang aking buong sistema.
(Paul)
I saw how her body trembles in fear. It must have been traumatic, idagdag pa na wala na ang pamilya niya. I unconciuously reach for her hand. I just want to hold it, to let her know na nandito lang ako at tutulungan ko ito. Gagawin ko ang trabaho ko para matulungan ito at mapanagot ang tunay na may sala.
Iniabot ko ulit sa kanya ang basong may tubig at pinakalma ito.
"It's okay kung hindi mo pa kaya, ituloy na lang natin sa ibang araw" sabi ko rito ngunit umiling lang ito.
"I-isinakay nila ako sa sasakyan tapos nang magising ako, hindi ko na alam kung nasaan kami." Hinayaan ko itong umiiyak habang nagsasalaysay ng mga nangyari sa kanya.
Humigpit ang hawak nito sa aking mga kamay "Muntik...muntik na nila akong gahasain. H-hinawakan nila ako, ang dumi-dumi ko na." sabi nito at tuluyan na ngang humagulhol. Pinatay ko ang recorder ko at kinabig ulit ito para sa isang yakap. There is this feeling na, ayaw ko itong makitang umiiyak at nanginginig sa takot.
"Hindi iyan totoo, hindi mo iyon ginusto." Hinawakan ko ang mukha nitong basang-basa na ng luha saka ko ito tinignan ng diretso sa kanyang mga mata.
"Hindi ka madumi, ang tunay na madumi ay ang mga taong masama loob at nanakit ng kapwa" Sabi ko rito. Pinunasan ko ang kanyang mga luha.
Ang ganda niya pa rin kahit namumula na ang kanyang buong mukha, namamaga ang kanyang mga mata at gulo-gulo ang kanyang buhok. Ang kanyang mapupulang labi ay nakakata—f**k s**t!!
Sinikap kong iwinaksi ang makamundong pagnanasa kay Cenny. Hindi ko dapat iyon naiisip sa isang babaeng mahina sa ngayon.
"H-hindi natuloy..." agad kong i-on ang recorder ng magpatuloy ito. "Hindi natuloy ang balak nila dahil nakarinig kami ng sirena ng Police. N-narinig ko, may tumawag sa kanila, t-tinawag nila itong Boss Sor. Sinabihan silang may mga p-paparating na pulis. W-wala akong kilalang ganun." Pagpapatuloy nito.
"Boss Sor? As in S O R?" tanong ko. Pilit ko kasing inaalala kung isa iyon sa mga wanted, o nabibilang sa mga pinaghahanap namin pero wala akong maalala.
"Pagkatapos, tumakas kami pero may humabol sa amin na kotse. Nakita ko, n-nabaril iyong isang lalaki sa ulo. Ang...ang d-daming dugo" turan nito at patuloy na umiiyak. "Paul!! Natatakot ako, paano..paano kung mahanap nila ako...paano kung papatayin din nila ako. Natatakot ako Paul!!" humahagulhol na turan nito. Pilit ko itong pinapakalma dahil nag hihisterya na naman siya. Hindi ko mapigilang maawa dahil sa kalagayan nito. Mukhang masama talaga ang dulot ng pagkakadukot niya.
"Shhhh, It's okay, akong bahala sayo. Hindi ko sila hahayaan na mahawkan ka nila ulit..hindi ako papayag na may namamakit sayo... Sshhh" Pag-aalo ko dito. Now, all I want is to protect this woman from any harm and that is a promise.
Sino ba ang mga dumukot sayo? Sila din ba ang may kagagawan ng pagpatay sa pamilya mo?
Ang dami kong tanong ngunit isinantabi ko na lang muna iyon.
Nang huminhon ito ay inaya ko na itong kumain muna.
"Halika ka kumain ka na muna bago ka magpahinga" sabi ko ngunit umiling lang ito.
"Alam kong wala kang gana pero kailangang makabawi ang katawan mo"
Inilahad ko ang aking kamay, ilang segundo pa niya itong tinignan bago kinuha. Nang makarating kami sa kusina ay agad kong inihanda ang binili kong pagkain kanina bago umuwi.
We'll find the truth, I promise you.
Hello Babes!
I just want to inform you na itong kwentong ito ay mag uumpisa na ng daily update sa Nov. 1
Get ready!! *wink*