My Step-brother

1118 Words
AMOY na amoy ko ang bawang at toyo na sumisingaw mula sa kusina. ​Alas-siyete ng gabi. Nakaupo ako sa dining table, pinapanood ang likod ni Blake habang naghahalo siya ng niluluto niya. Nakasuot na siya ng t-shirt ngayon—isang lumang puting shirt na medyo fit sa kanya, enough para bumakat ang muscles ng balikat niya tuwing gumagalaw siya. ​"Malapit na 'to," sabi niya nang hindi lumilingon. "Gutom ka na ba?" ​"Keri lang," sagot ko, pero ang totoo, kanina pa kumukulo ang tiyan ko. Hindi dahil sa gutom, kundi dahil sa kaba. Kaming dalawa lang dito. Ang tunog lang ng sandok sa kawali at ang huni ng mga kuliglig sa labas ang naririnig ko. ​Habang pinapanood ko siya, hindi ko maiwasang bumalik sa alaala ng unang araw na nakilala ko siya. ​Sampung taon na ang nakalilipas. Dose anyos ako noon. Bata, payat, at sobrang mahiyain. Kaka-annul lang ni Mama sa totoo kong tatay, at ipapakilala niya ako sa bago niyang partner—si Papa Nestor. ​Kabadong-kabado ako noon. Sabi ni Mama, may anak daw si Tito Nestor. Lalaki. 22 years old. College graduate na. Matanda na. ​Ang nasa isip ko noon, baka masungit. Baka ayaw niya sa akin kasi "anak ako sa labas" ng pamilya nila. Baka awayin niya ako. ​Pagdating namin sa bahay na 'to—sa mismong bahay na tinitirhan namin ngayon—nakayuko lang ako. Nakahawak ako nang mahigpit sa laylayan ng bestida ni Mama. ​"Karla," tawag ni Papa Nestor. "Ito ang kuya mo. Si Blake." ​Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. ​At doon ko siya nakita. ​Hindi siya nakasimangot. Hindi siya mukhang galit. Nakangiti siya—isang ngiti na abot hanggang sa mga mata niya. Lumuhod siya para maging ka-level ko, para hindi ako matakot. ​"Hi, Karla," bati niya. Ang lambing ng boses niya. Hindi nakakatakot. "Ako si Kuya Blake. Welcome sa bahay." ​Inabot niya ang kamay niya at ginulo ang buhok ko. Noong araw na 'yon, wala akong naramdamang malisya. Wala akong naramdamang pagnanasa. Ang naramdaman ko lang ay safety. ​Sa loob ng sampung taon, pinatunayan niya 'yon. ​Siya ang sumusundo sa akin kapag busy sila Mama. Siya ang taga-buhat ng mga projects ko sa school. Siya ang nagtatanggol sa akin kapag may umaaway sa akin na kaklase. Siya ang nagturo sa akin mag-drive. ​He was the perfect brother. ​At iyon ang problema. ​Kasi sa bawat kabutihan na pinapakita niya, sa bawat pag-aalaga, sa bawat “Ako na ang bahala sa’yo, Kar,” unti-unting nagbabago ang tingin ko. ​Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Basta isang araw, nung nag-18 ako at isinayaw niya ako sa debut ko, naramdaman ko na lang na ayoko na siyang tawaging "Kuya." Nung hawak niya ang bewang ko habang sumasayaw kami, hindi safety ang naramdaman ko. ​Init. ​Gusto kong hapitin niya ako palapit. Gusto kong ibaon ang mukha ko sa leeg niya. Gusto kong ang mga kamay na nag-alaga sa akin bilang kapatid ay hawakan ako bilang isang babae. ​Kasi sobrang bait niya. Sobrang gentle. At sa mundong puro manloloko at gago, paano ko mapipigilan ang puso ko na mahulog sa nag-iisang lalaking hindi ako sinaktan? ​"Kar? Hoy, tulala ka na naman." ​Bumalik ako sa kasalukuyan. Nakaupo na si Blake sa tapat ko. May mainit na kanin at adobo na sa plato ko. Nilagyan niya pala ako habang nagde-daydream ako. ​"Sorry," mabilis kong sabi, sabay subo ng pagkain para matago ang pamumula ng mukha ko. "Ang sarap. As usual." ​Tumawa siya nang mahina. "Bolera. Pero salamat." ​Kumain kami nang tahimik sandali. Domestic. Parang mag-asawa. s**t, stop it Karla. ​"Tumawag nga pala si Maria kanina," biglang sabi niya. ​Natigil ako sa pagnguya. Nawalan bigla ng lasa ang adobo. ​"Ah... talaga?" pilit ang boses ko. "Kamusta daw siya?" ​Maria. Ang girlfriend niya. Maganda, matalino, mabait. Perpekto para sa kanya. Wala akong laban. ​"Okay naman. Miss na daw niya ako," ngumiti si Blake, at kitang-kita ko sa mga mata niya ang kinang kapag binabanggit niya ang pangalan ni Maria. "Plano sana naming mag-outing pagbalik nina Papa. Isasama ka namin, ha? Para makapag-bonding kayo." ​Parang sinaksak ang dibdib ko. ​Gusto niya akong isama. Gusto niya akong maging "third wheel" sa happiness nila. Gusto niyang makita ko kung paano niya alagaan si Maria—ang pag-aalaga na gusto kong maging akin. ​Ang sakit. Sobrang sakit na parang gusto kong sumuka. ​Ang bait-bait niya sa akin kasi kapatid niya ako. Pero kay Maria? Iba ang tingin niya. May halong pagnanasa, may halong pagmamahal na pang-habangbuhay. ​"Busog na ako," bigla kong sabi sabay tayo. Kalahati pa lang ang pagkain ko. ​Nagtaka si Blake. "Ha? Ang dami pa niyan oh. Masama pakiramdam mo?" ​Akmang hahawakan niya ang noo ko para tignan kung may lagnat ako pero umatras ako. Natakot ako. Natakot ako na kapag dumikit ang palad niya sa balat ko, baka bumigay ako. Baka umiyak ako. O baka hatakin ko siya at halikan. ​"Sumakit lang ulo ko," pagsisinungaling ko. Hindi ako makatingin sa kanya. "Akyat na ako, Kuya. Ikaw na bahala diyan." ​Tinalikuran ko siya bago pa man tumulo ang luhang nangingilid sa mata ko. ​Pagpasok ko sa kwarto, sumandal ako sa pinto at napahagulgol nang walang tunog. ​Ang sakit mahalin ng taong hindi ka pwedeng mahalin pabalik sa paraang gusto mo. He was so kind to me. He loved me so much as a sister. ​And I hated it. ​I hated that he was a good man. Sana gago na lang siya. Sana masama na lang ugali niya para madali siyang kalimutan. Pero hindi. ​Rinig ko ang mga yabag niya sa labas. Nagliligpit ng kinainan. Maya-maya, narinig ko siyang kumatok nang mahina sa pinto ko. ​"Kar? Uminom ka ng gamot ha? May biogesic diyan sa cabinet sa labas." ​Napapikit ako. Please, Blake. Stop being so good to me. ​"Oo, Kuya. Salamat," sagot ko, pilit pinapatatag ang boses. ​Narinig ko ang pag-alis niya. ​Napatingin ako sa kama ko. Malamig. Mag-isa ako. Sa kabilang kwarto, nandoon siya. ​Ang bait-bait mo, Blake. Sobrang bait mo. ​Pero ngayong gabi, sa imahinasyon ko... ayoko ng mabait. ​Gusto ko ng marahas. Gusto ko ng mali. Gusto kong angkinin mo ako na parang hindi mo ako kapatid. ​Dahan-dahan, ibinaba ko ang kamay ko sa pagitan ng mga hita ko. Kasabay ng pag-agos ng luha sa mga mata ko, hinayaan kong mag-apoy ang katawan ko. ​Para kay Maria ang puso mo. Okay lang. Tanggap ko. ​Pero ngayong gabi, habang nakapikit ako... akin ang katawan mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD