PAGGISING ko kinabukasan, mabigat ang pakiramdam ng katawan ko. Hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa hiya.
Pagmulat pa lang ng mata ko, bumugso agad ang alaala ng ginawa ko kagabi. Ang mga ungol na pinigil ko sa unan, ang pangalang binulong ko sa dilim, at ang imahe ng stepbrother ko na naging dahilan ng pag-abot ko sa rurok.
Ang dumi-dumi mo, Karla.
Bumangon ako at dumiretso sa banyo. Naligo ako nang matagal, pilit na kinukuskos ang balat ko, umaasang matatanggal ng sabon at tubig ang kasalanang nakadikit sa pagkatao ko. Pero kahit anong kuskos ko, nandoon pa rin ang pagnanasa. Nakatatak na yata sa DNA ko ang pagiging makasalanan.
Paglabas ko ng kwarto, tahimik ang bahay. Nasa bukid na siguro si Blake. Mabuti naman. Hindi ko pa kayang harapin siya. Hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya nang hindi naiisip kung anong itsura ng mga matang ‘yon kapag puno ng lust.
Nag-iwan ako ng note sa mesa. “Kuya, punta lang ako sa bayan. Mag-g-grocery para sa stock natin ngayong linggo.”
Hindi ko na hinintay ang reply niya. Kinuha ko ang susi ng lumang scooter namin at mabilis na umalis. Kailangan ko ng hangin. Kailangan ko ng distansya. Kailangan kong makita na may ibang lalaki sa mundo bukod kay Blake.
MAINGAY at magulo ang palengke ng bayan. Iba ito sa tahimik at mapayapang farm namin. Dito, amoy mo ang pinaghalong isda, pawis ng mga tao, at usok ng mga tricycle.
Pero sa totoo lang? Mas gusto ko ‘to. Dito, lunod ang isip ko. Dito, hindi ko naririnig ang boses ni Blake.
Namili ako ng mga kailangan—bigas, de-lata, mga gulay. Sinadya kong damihan ang bitbitin para mapagod ako. Gusto kong mapagod ang katawan ko para pag-uwi ko mamaya, tulog na lang ang aatupagin ko at hindi na kung ano-ano pa.
"Isa pa pong kilo ng liempo," sabi ko sa tindera. "Paki-chop na rin po."
Habang hinihintay ko ang sukli, naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa.
Incoming Call: Kuya Blake
Napapikit ako. Sasagutin ko ba? Kung hindi ko sasagutin, mag-aalala ‘yon. Susugod ‘yon dito.
Sinagot ko ang tawag. "Hello?"
"Karla!" Medyo pasigaw ang boses niya, halatang nag-aalala pero may halong inis. "Bakit umalis ka nang hindi nagpapaalam? Nakita ko lang 'yung note mo. Sana ginising mo ako para naihatid kita. Delikado mag-motor mag-isa."
Ayan na naman siya. The protective brother.
"Okay lang ako, Kuya. Malaki na ako," sagot ko, medyo matabang. "Pauwi na rin ako maya-maya."
"Huwag kang uuwi mag-isa. Ang dami mong bitbit panigurado," utos niya. Ang tigas ng boses. "Hintayin mo ako diyan sa may bakery sa kanto. Susunduin kita gamit ang pick-up. Iwan mo na lang 'yung motor sa kakilala natin diyan o ipahatak natin."
"Pero—"
"Wala nang pero, Karla. Papunta na ako. Diyan ka lang."
Toot. Toot.
Binabaan ako.
Napabuntong-hininga ako at ibinulsa ang cellphone. Kahit kailan, hindi ako nanalo sa kanya. Siya lagi ang nasusunod. Siya lagi ang bida.
Kinuha ko ang mga plastik ng pinamili ko. Ang bibigat. Dalawang malaking eco bag sa magkabilang kamay, plus isang supot ng bigas na limang kilo.
Pagtalikod ko mula sa stall ng baboy, muntik na akong mawalan ng balanse. May dumaan na nagmamadaling kargador at nabunggo ang balikat ko.
"Ay!" sigaw ko.
Hinihintay ko na tatama ang pwetan ko sa sementadong sahig na basa at maputik, pero hindi nangyari ‘yon.
May matibay na braso na sumalo sa likod ko.
"Miss! Okay ka lang?"
Pag-angat ng tingin ko, bumungad sa akin ang isang mukhang hindi pamilyar.
Lalaki. Maputi, pero hindi kasing-bronze ni Blake. Matangos ang ilong, clean-cut ang buhok, at may maamong mukha. Nakasuot siya ng simpleng polo shirt at maong. Mukha siyang mabango kahit nasa gitna kami ng palengke.
Tinulungan niya akong tumayo nang maayos at mabilis na kinuha ang mga supot na nabitawan ko.
"S-salamat," nauutal kong sabi. Inayos ko ang duster ko. Nakakahiya. Ang dugyot ko siguro tignan, pawisan at haggard, tapos heto siya, parang model ng toothpaste commercial.
"Mabigat 'to ah," nakangiti niyang sabi habang hawak ang mga eco bag ko. "Saan ka ba papunta? Tulungan na kita."
"Naku, 'wag na. Nakakahiya," tanggi ko, akmang kukunin ang mga supot.
Pero inilayo niya ito nang bahagya. "Sige na. Mukhang mahihirapan ka eh. Saan ba ang sakayan mo?"
Tinitigan ko siya. Mukha naman siyang disenteng tao. Walang halong malisya ang tingin niya, hindi katulad ng ibang tambay sa palengke na kung makatingin ay parang hinuhubaran ka.
"Sa... sa may bakery lang sa kanto. Susunduin daw ako ng... kapatid ko."
Muntik ko nang sabihing boyfriend. Bakit ba ang dumi ng utak ko?
"Sakto. Bibili rin ako ng pandesal," tumawa siya. Ang gaan ng tawa niya. Nakakahawa. "Ako nga pala si Julian."
"Karla," sagot ko.
Naglakad kami papunta sa bakery. Kwentuhan lang habang naglalakad. Tinanong niya kung taga-saan ako, kung nag-aaral pa ba ako. Simple questions. Safe questions.
For the first time in a long while, nakakausap ako ng lalaki na hindi ko iniisip kung anong itsura niya kapag nakahubad. Julian was refreshing. He was... normal.
Naisip ko bigla: Ito ba ang kailangan ko? Isang normal na lalaki? Para mawala ang abnormal na nararamdaman ko para kay Blake?
Nakarating kami sa bakery at ibinaba niya ang mga gamit sa isang bench.
"Salamat talaga, Julian," sabi ko, at this time, genuine na ang ngiti ko. "Kung wala ka, baka kanina pa ako sumubsob sa putikan."
"Wala 'yon," kamot-batok niyang sagot. Namumula ang tenga niya. Cute. "Actually... bago lang ako dito sa lugar. Taga-Maynila talaga ako, na-assign lang dito para sa agri-business ng pamilya namin. Wala pa akong masyadong kilala."
Tumingin siya sa akin, parang nag-aalinlangan.
"P-pwede ko bang makuha number mo? You know... for emergency? Or kung kailangan mo ulit ng tagabuhat?"
Natigilan ako. Hinihingi niya ang number ko. Interested siya.
Tinitigan ko si Julian. Gwapo siya. Mabait. Mukhang matino. Kung bibigyan ko siya ng chance, baka... baka makalimutan ko si Blake. Baka ito na ang gamot na hinahanap ko.
Bubukain ko na sana ang bibig ko para ibigay ang number ko nang biglang may bumusinang malakas sa tapat namin.
BEEP! BEEP!
Isang pamilyar na itim na pick-up truck ang huminto. Bumukas ang pinto sa driver's seat at lumabas si Blake.
Madilim ang mukha niya. Nakasuot siya ng shades, pero ramdam ko ang talim ng tingin niya. Naka-tight black shirt siya na nagpabakat lalo ng muscles niya.
Biglang lumiit si Julian sa paningin ko. Kung si Julian ay "cute," si Blake ay dangerous.
Naglakad si Blake palapit sa amin. Hindi siya nakatingin sa akin. Nakatingin siya kay Julian.
"Karla," boses niya, mababa at barako. "Tara na."
"K-Kuya," tawag ko.
Lumipat ang tingin ni Blake kay Julian. "Sino 'to?"
Mabilis na naglahad ng kamay si Julian, kahit halatang na-intimidate siya sa presence ni Blake. "Good morning po, Sir. Julian po. Tinulungan ko lang po si Karla sa mga bitbit niya."
Tinignan ni Blake ang kamay ni Julian bago niya ito tinanggap. Mahigpit ang pagkakamay niya. Nakita kong medyo namuti ang knuckles ni Julian.
"Salamat, pre," sabi ni Blake, pero walang ngiti sa labi niya. "Ako na bahala sa kapatid ko."
Kapatid. Aray.
Binuhat ni Blake ang lahat ng pinamili ko nang sabay-sabay na parang bulak lang ang bigat nito. Ibinato niya ang mga 'yon sa likod ng pick-up.
"Sakay na," utos niya sa akin.
Humarap ako kay Julian. "Sorry, Julian. Aalis na kami. Next time na lang."
"Sige, Karla. Ingat," ngiti ni Julian, pero nakatingin pa rin siya kay Blake na parang tinitantsa ito.
Pagsakay ko sa kotse, tahimik si Blake. Pinaandar niya ang makina at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.
Ang tahimik namin sa loob. Ang lakas ng aircon pero pinagpapawisan ako. Galit ba siya?
"Sino 'yon?" basag niya sa katahimikan maya-maya.
"Si Julian. Nakilala ko lang sa palengke. Tinulungan ako."
Tumingin siya sa akin saglit bago binalik ang tingin sa daan. "Mukhang type ka."
Napatingin ako sa kanya. "Ha?"
"Lalaki ako, Karla. Alam ko ang tingin ng lalaki kapag gusto niya ang babae," sabi niya. Hinigpitan niya ang hawak sa manibela. "Hiningi ba number mo?"
"Oo," pag-amin ko. "Pero hindi ko naibigay kasi dumating ka."
May dumaang emosyon sa mukha niya na hindi ko maintindihan. Inis? Galit? Selos?
Please, Lord. Sana selos.
Pero bigla siyang ngumiti. Isang mapang-asar na ngiti.
"Sayang naman. Mukhang mabait eh. Gwapo rin. Bagay kayo."
Gumuho ang mundo ko.
Akala ko nagseselos siya. Akala ko ayaw niya sa lalaki dahil gusto niya ako. 'Yun pala, ayaw niya lang kasi protective kuya siya. At ngayon, tinutukso niya pa ako?
"Bagay kami?" mapait kong tanong.
"Oo naman. 22 ka na, Kar. Pwede ka na mag-boyfriend. Basta dadaan muna sa akin para makilatis ko," tumawa siya sabay tapik sa hita ko. "Gusto mo balikan natin? Hingin natin number niya?"
Tinabig ko ang kamay niya. Ang sakit. Sobrang sakit.
"Wag na," matigas kong sabi, at tumingin ako sa labas ng bintana para hindi niya makita ang pamumuo ng luha ko. "Ayoko sa kanya."
"Choosy ka pa," pang-aasar niya. "Sige ka, tatanda kang dalaga."
Tatandang dalaga dahil sa'yo, gago ka, sigaw ng isip ko.
Pinikit ko ang mata ko. Ang akala ko, si Julian ang gamot. Pero mali. Si Julian ang magiging instrumento.
Kung gusto ni Blake na magka-boyfriend ako, pwes, bibigyan ko siya. Ipapakita ko sa kanya. At sa bawat oras na kasama ko si Julian, iisipin ko na lang na siya ang kasama ko.
Kukunin ko ang number ni Julian. Hindi para mahalin siya.
Kundi para pagselosin ang manhid kong stepbrother. O kung hindi man siya magselos... para saktan ang sarili ko hanggang sa mamanhid na ako at hindi ko na maramdaman ang pagmamahal na ito.