Nakatitig lang si Blake sakin nang ilang segundo. Yung katahimikan na bumalot samin ay nakakabingi. Ang lakas nang kabog nang dibdib ko habang hinihintay ko yung susunod na lalabas sa bibig nya. Naniwala kaya sya. Naramdaman ba nya na nagsisinungaling lang ako at iba talaga yung tinutukoy ko dahil nadulas ang dila ko. Maya maya pa ay nakita kong unti unting kumalma yung mukha nya. Nawala yung galit at gulat. Napa iling sya at may kasama pang mahinang tawa. Isang tawa na parang nakahinga sya nang maluwag dahil sa wakas ay naintindihan na nya yung inuugali ko buong araw. "Yun lang ba," malambing na tanong ni Blake. Lumapit sya sakin at hinawakan yung balikat ko. "Yun lang ba ang rason Karla kung bakit ka nag susungit at nag kakaganyan. Nag aalala ka na kalilimutan kita." Hindi ako maka

