Dahil nga magaling na ako at parang na reset yung buong sistema ko dahil sa ginawa namin ni Julian kahapon ay naging maganda yung gising ko. Pag baba ko nang kusina ay naabutan ko silang nag aayos na nang mga gamit. Sabi ni Blake ay sa bayan na daw kami mag bbreakfast sa isang sikat na restaurant dun para daw maiba naman at para i celebrate yung mabilis kong pag galing. Syempre tuwang tuwa si Maria. Ang lapad nang ngiti nang bruha akala mo naman sya yung nagkasakit. "Karla tara na bilisan mo mag bihis para d tayo abutin nang matinding init sa byahe," masayang sabi ni Maria sakin habang nag susuklay sya nang buhok nya sa sala. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Isang pilit at plastik na ngiti. "Sige Ate Maria. Ang ganda mo ngayon ah. Nag ayos ka pa talaga kahit mag aalmusal lang tayo.

