Alexene's POV
I can't help but cry silently as I walk down the aisle. This is my dream.
“You may now kiss the bride," now I'm officially married to this man beside me.
Oo, ito ang pangarap ko. Ang makasal sa lalaking mahal ko. But my groom, he’s not the love of my life.
"Congratulations, Blake!" I saw Luke as he approach Blake.
I am now married to Blake Adams.
Nilingon ko si mama na kausap ang magulang ni Blake. Alam naman nila ang sitwasyon namin. At hindi ko alam kung anong nararamdaman ng mga magulang ni Blake ngayon.
“Stop it, dude," binigyan ni Blake nang matalim na titig si Luke.
But Luke did not mind him. Sa halip, tinawanan lang nito si Blake pagkatapos ay lumapit siya sa akin.
“Congratulations, Mrs. Alexene Adams," napaka friendly ng ngiting ibinigay niya sa akin. Hindi katulad ni Blake na tila pinagbagsakan ng langit at lupa.
I smiled back. But I can see that Blake is really pissed off. And it makes me afraid of him.
After the wedding, Blake and I headed to our honeymoon. Pero habang nasa sasakyan kami ay hindi ko napigilan ang pagluha.
"Stop with your drama," Blake says emphatically.
Nakalimutan kong nasa bridal car nga pala ako with my groom.
I wiped my tears with my own hands. Kasal na ako sa isang Blake Adams. Kailangan ko ng kalimutan si Dylan Wilson, I need to accept that we're not meant for each other. And this man beside me, I should start loving him even if this marriage is against his will.
"This is what you want, right?" he said while looking at me.
I nodded while trying to stop my tears.
Kailangan kong tanggapin ang bago kong buhay, kasama ang ama ng magiging anak ko, si Blake. Kahit na hindi siya ang mahal ko.
Si Dylan pa rin.
Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako kakaisip sa mga nangyayaring pagbabago bigla sa buhay ko. Isang malakas na kalampag lang ang gumising sa akin. Pagmulat ng mga mata ko ay ang mukha ni Blake ang nabungaran ko. Saka ko na naman naalalang sakay kami ng isang bridal car. Ikinasal nga pala ako.
"Ano? Bababa ka ba o hindi?" si Blake ang nagsalita. Nasa labas na pala siya ng sasakyan. At ang malakas na kalampag ay gawa niya. Kinalampag niya lang naman ang pinto ng sasakyan na ito kung saan ako nakaupo.
Agaw-dilim na pala. Nasaan ba kami? Hindi ko man lang kasi inalam kung saan kami pupunta.
"Bumaba ka na lang kapag tapos ka ng magmuni-muni," Blake said in a cold voice. Hindi pa rin nga pala ako bumababa.
Nagpasya akong bumaba na at hinawakan ko ang laylayan ng wedding gown na suot ko para makababa ako nang maayos. Inilibot ko ang aking paningin. If I'm not mistaken, nasa isang probinsiya kami base sa itsura ng paligid at simoy ng hangin.
"Bahala ka na sa buhay mo kung bukas mo pa balak pumasok."
Sinundan ko siya ng tingin. Ang sungit niya. Talo niya pa ako. Pumasok na siya sa bahay na tingin ko ay sinaunang bahay pa. Duda ko ay dalawang palapag ang bahay na iyon. It is an old house made up of wood. Halata ko rin iyon sa bintana. Kapiz o Capiz shell window kasi iyon. Hindi ko naman akalain na may ganito palang bahay ang Adams. Sa yaman naman kasi nila ay iisipin ko talagang panay modern house ang pag aari nila. Ang buong paligid din ay halos puno ng niyog na maayos ang pagkakahilera. Siguradong-sigurado akong nasa probinsiya kami hindi ko lang matukoy kung anong lugar.
Hindi pa rin ako sumusunod kay Blake. Hindi ko na nga siya makita dahil nasa loob na siya ng bahay. I really don't know how to get inside. Parang nakakahiya naman kasi na hindi niya man lang ako isinabay.
Maya-maya pa ay nagulat ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sa taranta ko ay napatakbo ako sa bahay na pinasok ni Blake. Pero nakakainis lang kasi naka lock ang pinto.
Sinadya ba iyon ni Blake? Kinatok ko ang pinto. Ayaw ko namang kalampagin iyon dahil hindi naman ako eskandalosang babae at isa pa ay pasensiyosa akong tao. Basang basa na ako bago bumukas ang pinto. I saw his devil smile when he opened the door.
"I'm sorry. Nakalimutan ko kasing may kasama pala ako," pagkasabi niyon ay pumasok na itong muli.
Nakita ko siyang dumeretso sa kusina. Kumakain pala ang walang hiya. Sabagay, napilitan lang pala siyang pakasalan ako kaya bakit naman ako aasang aayain niya akong kumain 'di ba?
Pumasok na ako sa loob. At dahil hindi ko naman kabisado ang bahay na iyon ay nagtanong na ako sa kanya.
"S-saan ba ang banyo dito?"
"Why?" hindi tumitinging tanong nito.
Seriously? He's asking me why?
"M-magpapalit lang s-sana ako," napalunok pa ako sa sagot ko.
Wala kaya kaming ibang kasama rito?
"Just take off your wedding gown and wait for me upstairs."
Napanganga ako sa sinabi niya. Tumingin naman siya sa akin at muling nagsalita.
"What? We're on a honeymoon, right?"
Nanlamig ang buong katawan ko. Ang tubig ulan na tumutulo sa aking mukha dahil sa pagkakabasa ko kanina sa labas ay nahaluan ng pawis ko dahil sa sinabi niya.
"I am not going to rape you. I don't have to."
Napalunok ako sa bulong na iyon ni Blake sa akin. Tumayo kasi siya at lumapit sa akin nang hindi ako maka imik sa mga sinabi niya. Nasa bandang kaliwa ko siya at ramdam na ramdam ko ang hininga niya nang bumulong siya sa tainga ko. It gives me goosebumps. Tila kaparehong-kapareho din niyon ang pagtindig ng balahibo ko noong gabing may mangyari sa amin.
Napapikit ako. Bakit ba naalala ko pa iyon?
Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatayo at nakapikit lang doon. Tila nakalimutan kong nasa tabi ko si Blake. Maya-maya ay nagulat ako nang biglang umangat ang talukap ko sa aking kaliwang mata. This man, gamit ang hinalalaki niya ay pilit niya palang iminulat ang isang mata ko. Siyempre tuluyan na akong napamulat mula sa pagkakapikit. Bahagya akong napaatras sa kanya. Pero humakbang siya para lumapit pa rin sa akin. Napasandal tuloy ako sa hand rail ng hagdan. Pagpasok kasi sa bahay na iyon ay nasa pinakagitna ang hagdan. Sa bandang kaliwa ay naroon ang kusina na disenyong parang nasa ilalim o likuran ng hagdan. Sa bandang kanan naman ay wala pa akong ideya kung ano ang makikita roon. I have nowhere to go dahil inihawak pa niya ang kanyang dalawang kamay sa hand rail ng hagdan kung saan ako napasandal.
"Huwag kang matulog ng nakatayo. May kama tayo sa taas," seryosong sabi niya bago ito umalis at umakyat na sa hagdanan.
Buwisit talagang Blake Adams 'yan!