Blake Kasalukuyang nag-uusap sina Alexene at mama niya nang lapitan ko naman si mommy. Pabalik na kami ngayon sa Laguna. Medyo malayo sina Alexene at ang mama niya sa amin kaya hindi nila rinig nang magpaalam na ako kina mommy at daddy. "Tatawagan ko po kaagad kayo kapag naayos na namin ni Alexene ang kasal," panimula ko. Iwas din akong tumitig kay daddy dahil alam kong hanggang ngayon ay tutol siya sa pagbalik namin sa Laguna. "Sigurado ka na ba rito, anak? Pitong buwan na ang tiyan ng asawa mo. Mas maganda na may iba pa kayong makasama sana sa isang bahay," si mommy ang nagsalita. Alam kong concern lang si mommy lalo na at unang apo nila ang magiging anak namin. Pero hindi ko magawang makapagpaliwanag nang ayos dahil isang lihim lang naman ang alam nila. At wala akong balak na sanang

