Blake Kanina ko pa naririnig ang paulit-ulit na pagbuntung hininga ni daddy. Wala akong binabanggit sa kaniya na dahilan ng pagpapasya kong bumalik kami ni Alexene sa Laguna. Ayaw ko ng banggitan sa kaniya ang pangamba ko sa ex-boyfriend ni Alexene dahil siguradong marami pa siyang magiging tanong. "What happened? Why the sudden change of mind?" untag na ni daddy. Malapit na kami sa bahay kaya may rason ako para hindi na siya sagutin. "May iba ka pa bang problema, Blake?" halata ang pagpigil ni daddy na taasan ang tono ng pananalita niya. "Dad, we're here. I can't answer your question right now," sagot ko na lamang matapos kong maipasok ang sasakyan. Nagmamadali akong bumaba dahil baka pigilan lang ako ni daddy at piliting sumagot sa tanong niya. Mabilis na rin akong naglakad upang pu

