Kinabukasan ay nagising akong wala sa tabi ko si Blake. Nang lingunin ko ang wall clock ay mag-a-alas diyes na pala. Nitong mga nakaraang araw ay napapadalas ang gising ko ng late. Madalas na rin na si Blake ang gumagawa ng halos lahat dito sa bahay. Ewan ko ba, noon naman nagku-kuwento si mama sa akin nang tungkol sa pagbubuntis niya sa akin, maaga raw siyang nagigising. Unlike sa akin, tinatanghali sa kama. I don't wanna be lazy. Pero wala naman yata akong magagawa sa pagbubuntis kong ito. Tumayo na ako sa kama at kinuha na ang tuwalya. Isa sa mga pagbabagong napansin ko sa aking sarili ay ang kagustuhan kong makaligo pagkagising na pagkagising. Bubuksan ko na sana ang pinto nang may marinig akong katok. Kailan pa kumatok si Blake? Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon at binuksan na a

