Days. Months. At eto na nga, anim na buwan na ang tiyan ko. Sa mga nagdaang buwan, sigurado na ako sa nararamdaman ko kay Blake. Umiibig na nga ako sa kaniya. "Congratulations! It's a baby girl." Sumilay ang ngiti sa labi ko kasabay ng pagngilid ng aking luha habang nakatitig sa monitor kung saan kita ko ang nasa loob ng aking tiyan. Babae. Babae ang anak namin ni Blake ayon sa aking OB. Naramdaman ko ang pagpisil ni Blake sa aking palad. Habang nakahiga ako rito, nasa tabi ko siya. Sabay naming pinapanood sa monitor si baby. Ito ang pangalawang ultrasound ko kung saan nalaman na nga namin ang gender ng magiging anak namin. Pagkalabas namin sa klinika ay masiglang nagsalita si Blake. "We'll celebrate!" ang masigla niyang sabi. Buong akala ko ang celebration na sinasabi niya ay paran

