Alexene Walang pagsidlan ang ligaya ko sa lahat ng nangyari sa amin ni Blake. Ang sarap sa pakiramdam na gusto niya ulit akong pakasalan at pareho na kami ng nararamdaman. Nilingon ko si Blake at kita ko ang saya sa mukha niya habang nagmamaneho siya. Nilingon ko rin si mama sa backseat at kita ko rin sa mga mata niya ang tuwa para sa akin. Papunta kami ngayon sa Adam's Eve para ipasyal doon si mama. "Maganda po roon. Matagal bago ko po naipagawa iyon kasi masyadong maarte iyong pagkakadesign doon," biglang untag ni Blake. Si mama ang kinakausap nito habang nakatingin siya sa rear mirror. "Ang ganda naman ng pangalan ng lugar," sagot naman ni mama. Pinili kong makinig na lang muna sa kanila para masanay na rin sila sa presensiya ng isa't-isa. Kapag okay na okay na sa amin ni Blake, gus

