Blake Malaya kong ninanamnam ang lamig na dulot ng rumaragasang tubig. Narito ako sa banyo at naliligo. Habang naliligo ay mayroong gumugulo sa aking isipan. Nag propose akong muli ng kasal kay Alexene subalit hindi ko pa naaayos ang dapat ayusin. Marami pa akong hindi naitatama. Ayaw ko sanang magpakasal muli kay Alexene hangga't may hindi pa ako naaamin sa kaniya. "Alexene." Boses iyon ni mama, o ng mama ni Alexene. Hinahanap niya ba si Alexene? Hindi ba't magkasama lang sila sa labas kanina? Minabuti kong tapusin na ang pagligo. Baka mamaya kung saan na pala nakarating si Alexene. Mabuti sana kung kabisado niya rito. Kahit pa sabihing beach resort ito, marami pa rin namang naliligaw. Katulad na lamang noong mapahamak si... Bakit ba siya na naman ang naalala ko? Pagkalabas ko sa b

