Blake Hindi ako nagsasalita habang nag-aayos ng gamit. Pinapakiramdaman ko rin si Alexene sa aking likuran. She's not moving. Alam ko dahil kahit katiting na galaw o kaluskos wala akong marinig. Nandito na kami sa cottage. Hindi ko kinausap si Isabella, my ex-girlfriend who left me for other guy. "You still love him, right?" Napatigil ako sa pagpasok sa bag ng huling gamit ko. Alam ko namang itatanong niya iyon, pero bakit parang hindi ko pa rin alam ang isasagot? "Blake..." Nilingon ko na siya. Nahiya ako kay mama nang makita ko siyang nakatayo sa pintuan. Ayaw kong isipin niya na pinaglalaruan ko lang ang anak niya dahil hindi naman. Hindi ko lang talaga maintindihan ang sarili ko dahil sa biglang paglitaw ni Isabella kanina. "Ma, puwede po bang sa labas muna kayo?" narinig kong sa

