Blake Kabado akong napatingin kay daddy. Ito na nga ba ang sinasabi ko sa sobrang pagiging mausisa nila. Hindi ako nakahanda sa ganitong senaryo. Pagbalik ko ng aking tingin kay Alexene ay kita ko ang pagkasuklam sa mukha nito. Wala pa siyang naririnig na iba pero ganoon na kagalit ang mukha niya. "Dad, mom, I'll just talk to her upstairs," basag ko na sa aming katahimikan. Mabilis kong nilapitan si Alexene at hinawakan ang kamay niya upang dalhin siya sa itaas. But she refused. Iwinaksi niya lang ang kamay ko. "No need to hide again, Blake. Dito mo sasabihin ang kung ano mang itinatago mo. Sa harapan nila. Kung ano man ang itinatago niyo," matapang niyang saad. Nagulat talaga ako sa kaniya. Siguro ay dahil hindi lang ako sanay na makita siyang ganiyan. Hindi katulad noong nasa Laguna

