Blake Narito ako sa terrace sa mismong kuwarto namin ni Alexene. Nagpapahangin at nag-iisip. Kanina pa mahimbing ang tulog niya. Pero ako, hindi ko magawang makatulog dahil sa panlalamig ni Alexene sa akin. Alam kong patuloy pa rin ang pagdududa niya simula noong marinig niya akong may kausap sa cellphone. Ang masaklap, ang duda niya ay si Isabella iyon at niloloko ko siya. Kung puwede ko lang sanang sabihin sa kaniya kung ano ang inaasikaso ko, ginawa ko na. But not this time, at hindi ko alam kung gugustuhin ko pang malaman niya. Pero hindi ko naman puwedeng pabayaang magpatuloy kami sa ganito. That's why I want to try everything to win her heart again. Her trust. Everything. Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko bago ako bumalik sa kama. Nakahiga siya patalikod sa akin.

