Blake Pigil na pigil ko ang pagkairita habang naglalakad papunta sa kung nasaan si Isabella. Pilit ko na lamang isinisiksik sa aking isipan na ginagawa ko ito para sa amin ni Alexene. I just need to clear up things with Isabella, at pagkatapos niyon ay mapapanatag na si Alexene pagdating sa kaniya. Natanaw ko na kaagad si Isabella ilang sandali pa. Ilang hakbang na lang din ay makikita ko na ulit nang malapitan ang babaeng minsan ay minahal ko. Ang babaeng una kong pinangakuan ng kasal at inakala kong magiging ina ng mga magiging anak ko. Akala ko dati sa mga pelikula lang nangyayari na ang dalawang taong pinagtagpo ng hindi sinasadya ang siya pa pa lang nakatakda para sa isa't-isa. At heto nga, wala akong pinagsisisihan na si Alexene na ang babaeng gusto kong makasama habambuhay. "Isab

