Blake Idinayal ko ang numero ni Isabella. Makikipagkita ako sa kaniya at makikipag usap nang maayos. Gusto kong malinaw na ang lahat sa amin. Ayaw kong maulit pa ang naramdaman ni Alexene. Mali ako. Mali ang ginawa ko noon sa beach resort nang makita ko si Isabella. Hindi tamang sinira ko ang pananatili dapat namin doon. Kaya tuloy napaisip si Alexene na mahal ko pa si Isabella. "Hello, who's this?" Hindi kaagad ako nakasagot nang marinig ang boses ni Isabella. Iba na nga pala ang numero ko simula nang maghiwalay kami. Bakit ba parang nagtataka pa ako na hindi niya alam na ako ang tumawag? "Isabella," pagsagot ko na lamang. Kilala ko ang babaeng ito. Kapag hindi kaagad sumagot ang nasa kabilang linya ay pinapatayan niya na kaagad at saka i-bblock ang number na iyon. "B-Blake?" alangan

