Chapter 13 - Leaving Him?

1429 Words

Nakatanaw ako sa papalubog na araw habang umaandar ang sasakyan. Laking pasasalamat ko talaga at hindi na binubuksan ni Blake ang aircon kaya nakakahinga na ako nang ayos. Inabot kami ng hapon sa lugar na pinagdalhan sa akin ni Blake. Pauwi na kami ngayon at pinili kong huwag na munang magsalita. Hindi ko kasi alam kung dapat ko bang ikatuwa ang mga ipinakita niya sa akin ngayong araw. Baka bukas, ibang Blake na naman ang makasalamuha ko. Pero ang higit na gumugulo sa aking isipan, ang pasya kong makipaghiwalay na sa kaniya. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang gusto kong gawin. Gulong-gulo na ako. Kapag nakipaghiwalay na ako sa kaniya, hindi ko na kailangang pansinin ang kung ano mang tila pagbabago sa nararamadaman ko para kay Blake. At ang pinakaimportante sa lahat, makakalaya na si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD