THIRD POV Para kay Alvin, parang naging slowmo ang lahat nang unti unting bumagsak sa lupa ang kanya ina. Hindi ito ang nakikita nyang kalalabasan ng kanilang plano. Sabi sa kanya ni Princess Paira, sa oras na mawala ang seal ni Akeesha, kusang babalik sa kanya ang fire element nya. Pero hindi ito ang nangyari dahil sa halip na magbalik loob ay tila ang sariling element ni Princess Paira ang nagpahamak sa kanya. Tumakbo si Alvin palapit sa kanyang ina na nakahandusay na sa lupa. “Ina!” “Anak, ituloy mo ang plano natin. Huwag kang papayag na matalo tayong muli.” Unti unting nawalan ng malay si Princess Paira. Pinakinggan ni Alvin ang heartbeat nito at nanghina sya dahil wala na. Wala na ang kanyang Ina. Hindi nya alam kung para saan ang galit na nararamdaman nya ngayon. Galit kay Ake

