NEW WORLD
AKEESHA POV
"Tara na dali. Baka malate tayo"
Hinila ako ni Riya papasok ng academy, ang academy na bago kong papasukan. Ang daming nagkalat na estudyante na sa unang tingin ay mukang ordinaryo lang pero nagtataglay sila ng pambihirang lakas at kakayahan. Mga estudyante na may kakayahang kontrolin ang elemento ng lupa, tubig, hangin at apoy. Ang mga piling estudyante na nabiyayaan ng ganitong kakayahan ay tinatawag na Elementalist. At ang dahilan ng paglipat ko sa paaralang ito ay dahil isa ako sa mga nabiyayaan ng ganitong kakayahan. May kakayahan akong kontrolin ang elemento ng tubig. Aksidente kong natuklasan ang kakayahan ko at nagkataon din na kasama ko sina Riya noon. Bagong salta lang sa lugar namin noon sina Riya dahil nagbabakasyon lang daw sila. Hanggang sa natuklasan nga namin ang kakayahan ko at dun na din nila inamin sa akin ang totoong pakay nila. At yun ay ang hanapin ang isang elementalist na naligaw sa mundo ng mga tao which is ako pala. Mahirap paniwalaan sa una pero tinanggap ko na lang din dahil wala naman akong kinalakihang pamilya.
Ako si Akeesha Neptuna. Lumaki ako sa bahay ampunan at nung medyo malaki na ako ay tumakas ako sa ampunan at binuhay ang sarili. Lumaki akong walang kasama at walang kaibigan. Hindi din ako nakakaramdam ng awa sa sarili ko noon. Basta ang nasa isip ko lang ay ang makasurvive sa araw araw. Pero nagbago ang lahat nang makilala ko sina Riya, Jethro at Ryan.
"Dito tayo maupo Akeesha.”
Hinila ako ni Riya sa bandang likod ng classroom. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na nandito na pala kami. Sobrang friendly ni Riya at sa kauna unahang pagkakataon ay nakaramdam ako ng pagkakampante. So I choose to break the walls I built. Binuksan ko ang sarili ko at nakipagkaibigan sa kanila.
Tatlo silang magkakasama nun. Si Riya, Jethro at Ryan. Si Riya ay isang air elementalist, si Jethro ay earth at si Ryan ay fire.
Maya maya pa ay dumating na ang teacher namin kasabay nina Ryan at Jethro. Nginitian ako ni Jethro at si Ryan ay tiningnan lang ako. Simula ng makilala ko sila, ramdam kong tanggap na ako nina Riya at Jethro. Si Ryan kasi ay hindi ko magawang basahin ang ugali nya. Pakiramdam ko ay mainit ang dugo nya sa akin. Or siguro dahil na din sa magkasalungat ang element namin.
"Good morning Elementalist! So before we start the lesson, I want to call our new student, Ms. Akeesha will you please introduce yourself? "
Perks of being newbie! Tumayo na lang ako at maingat na naglakad papunta sa harapan. Tahimik lang ang buong klase at lahat ay sakin nakatingin, well maliban kay Ryan na nakatanaw lang sa may bintana.
"Im Akeesha Neptuna, a water elemetalist. Thank you. "
Yun lang ang sinabi ko at tahimik na bumalik sa upuan ko. Wala namang nagreact sa sinabi ko kaya nag-umpisa nang magdiscuss yung teacher. Almost 2 weeks na din kasi nagstart ang klase dito sa academy kaya medyo late na kami nina Riya dahil nga sa hinanap pa nila ako.
Unlike sa normal world, walang Math, Science or English na subject dito sa academy. History ng Elemental World ang pinag aaralan dito at kung paano namin makokontrol ang mga kakayahan namin.
"Ang isang Legendary Elementalist ay pinaniniwalang pinakamalakas sa lahat ng elementalist dahil taglay nya ang kakayahang kontrolin ang apat na elements. Naniniwala ang mga bihasa at pilosopo ng Elemental World na totoo ang Legendary Elementalist. Ngunit madami din ang ayaw maniwala dahil hindi kakayanin nang isang elementalist ang magtaglay nang lahat ng elements. Sinasabi na ang mga dugong bughaw at maharlika ang maaaring maging Legendary Elementalist at sa history nang Elemental World ay wala pang naitala na legendary. "
Biglang tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang klase at lunch break na. Ang afternoon class naman ay theory at application ng mga elements namin. Ibig sabihin ay magkakasama na ang may magkakaparehong element at ibig sabihin din na hiwa hiwalay na kaming apat.
“Tara na Akeesha. “, masayang paanyaya sa akin ni Riya.
Ngumiti naman ako at sabay na kaming lumabas ng classroom. Sina Jethro at Ryan ay sa likod namin, nakasunod lang sila kung san man kami pumunta. Hindi ko pa masyadong saulado ang mga lugar dito sa Academy. Mabuti na nga lang at hindi ako iniiwan ni Riya.
"Bakit sya kasama nung tatlo? Ang kapal ng mukha nya!”
“ Lagot sya kay Athena nyan. Kawawa naman sya.”
Ilan lang yan sa mga naririnig ko dito sa loob ng canteen. Alam kong ako ang pinag-uusapan nila dahil sina Riya, Jethro at Ryan ang pinakamalakas sa kani kanilang element group. At sa pagkakaalam ko, si Athena naman ang pinakamalakas sa water element. Ibig sabihin ay makakasama ko si Athena mamaya sa afternoon class. Lumaki ako sa kalye noon na walang nararamdamang kaba or takot. Pero ngayon, iniisip ko pa lang na makakasama ko ang Athena na yun ay kinakabahan na ako.
Ayoko namang iwasan si Riya dahil una sya lang ang kakilala ko dito sa academy, at sya lang din ang nakapanatagan ko ng loob. Pero kapag hindi ko naman iniwasan sina Riya, I’m in trouble.
“Wag mo na lang silang pansinin Akeesha. “
Napalingon ako kay Riya nang bigla syang magsalita. Alam nya rin siguro ang nangyayari sa paligid. Nginitian ko na lang sya at hindi na nagsalita pa. Nararamdaman ko na ang malaking pagbabago sa buhay ko. Simula nang mapunta ako sa mundong ito, masyadong maraming naiinvolve sa buhay ko. I used to lived alone. Pero ngayon, parang pakiramdam ko ay hindi ko na kayang mag-isa ulit. Weird.
“Hey, masyado mo ata iniisip yung mga narinig mo. “, may pag-aalalang sabi ni Riya.
“Wag kang mag-alala, poprotektahan ka namin.”, sabi naman ni Jethro.
“Thank you guys! Pero ayoko namang maging pabigat sa inyo.”
“Ano ka ba! Hindi ka pabigat. Masaya nga kami dahil madagdagan kami. Nakakasawa na kasing kasama tong dalawang mokong na to. Buti na lang nandito ka na. “, masayang sabi ni Riya.
“Mas nakakasawa kang kasama ano.”, angal naman ni Jethro.
“Ang ingay nyo.”, maikling sabi ni Ryan.
Hanggang ngayon, natatameme pa din ako sa boses ni Ryan. Bihira lang kasi syang magsalita kaya hanggang ngayon ay hindi pa din ako sanay sa boses nya. Pakiramdam ko once na magsalita sya, oras na para tumahimik ako.
“Ang KJ mo. “, pairap naman na sabi ni Riya.
Napangiti na lang ako. Kung alam ko lang na ganito pala kasaya magkaroon ng kaibigan, sana noon pa lang ay binuksan ko na ang sarili ko sa mundo.