IN TROUBLE

1138 Words
AKEESHA POV “Okay class, may emergency meeting lang kami. Behave yourselves okay? I allow you to use your elements and train yourselves. But make sure na hindi kayo makakasira nang mga gamit dito sa Academy. Are we clear?" “Yes Miss. “ Umalis na yung teacher namin at nagkanya kanya naman ang mga kapwa ko water elementalist dito sa training ground. It’s my first time in the afternoon class and wala dito sina Riya dahil hindi ko naman sila katulad ng element. “So you’re the newbie!" Naputol ang pag-iisip ko nung lapitan ako ni Athena, ang pinakamalakas na water elementalist. Lahat nang kasama namin dito ay nagtinginan sa amin. Yung iba ay nagbubulungan at yung iba ay tinitingnan ako ng may awa sa mga mata nila. “Tapos ang kasama mo ay ang mga pinakamalakas na elementalist dito sa Academy. Ang unfair lang. Ako ang pinakamalakas na water elementalist tapos binabalewala lang nila ako. Habang ikaw, bagong salta lang dito na hindi pa namin alam kung bihasa ka na ba sa kakayahan mo, kasa-kasama mo sila.” Hindi ko gusto ang kapupuntahan ng mga sinasabi ni Athena. I know any minute ay maaaring saktan nya ako. Ang nakakainis lang ay hindi ko madedepensehan ang sarili ko dahil hindi ko pa masyadong kabisado ang kakayahan ko. At isa pa, unang araw ko dito sa academy, ayokong masangkot agad ako sa g**o. “So you will treat me like this?”, inis na inis na sabi ni Athena. Hindi ko sinasadyang mapataas ang kilay ko dahil sa sinabi nya. Wala naman akong ginagawa na pwedeng mas lalo nyang ikagalit. “Ang pinakaayoko sa lahat ay yung kinakausap ko pero hindi man lang magsalita o magreact. Tuod ka ba?” So ayun pala ang kinakagalit nya. Magsasalita na sana ako pero hindi ko na nagawa dahil may mga matutulis na bagay na gawa sa tubig ang parating sa akin. Mabuti na lang at naiwasan ko yun. Tinaasan naman ako ng kilay ni Athena. And the next thing I knew, nakagapos na ako sa may puno gamit ang elemento ng tubig. Element ko din ang tubig pero wala akong magawa. Parang natutulala na lang ako sa mga nangyayari. Hindi pa dun natapos ang p**********p sa akin ni Athena dahil bigla na lang ako nakaramdam ng mga spikes sa tubig na nakatali sa akin. Nararamdaman ko ang sakit sa bawat pagtusok sakin ng spikes na halata namang ikinatutuwa ni Athena. “What do you think you’re doing?” Biglang nawala ang tubig na nakatali sa akin. Napatingin ako sa nagsalita. I felt relieved but at the same time, stunned. “Are you okay Akeesha?”, may pag-aalalang tanong sa akin ni Riya. Lumapit sya sa akin at sinuri ang mga natamong sugat ko. Nakita ko namang napangisi si Athena. “Wow! Ang sweet nyo naman sa kanya. Nakakatouch.”, sarkastikong sabi ni Athena. I can see the anger and jealousy in her eyes. Hindi ko alam ang kwento nya kung bakit ganito na lang sya kagalit sa akin. Kung tutuusin, hindi naman big deal kung sumama at makipagkaibigan ako kina Riya. Being with them doesn’t define my ability and powers. Si Athena pa din naman ang pinakamalakas sa water elementalist at hindi ko mahihigitan yun. “Ano bang problema mo Athena?”, galit na tanong ni Riya. Ngumiti lang ito hanggang sa maramdaman ko na naman ang hapdi sa sugat ko. Parang tinutusok na naman ito. Napaupo na lang ako dahil parang umaabot na sa buto ko ang sakit ng mga sugat ko. “Akeesha!” Nagulat kaming lahat nang biglang may hangin na umatake kay Athena. Hindi nya ito naiwasan kaya tumalsik sya pero nasalo naman sya ng sanga ng puno kaya hindi sya nasaktan. May pumalibot na apoy sa aming apat nina Riya, Jethro at Ryan. “Hindi na mauulit pa ito! Walang pwedeng manakit kay Akeesha dahil kung hindi, ako ang makakalaban nyo. Even you Athena.” Ramdam ko ang galit sa boses ni Ryan at literal na nag-aapoy ang mga kamay nya. Nakakatakot sya pero pakiramdam ko ay ligtas ako. Weird. “Really Ryan? Para lang sa isang mahina at baguhang babae, makakaya mo akong saktan?” Nakakuyom ang mga palad ni Ryan na tila nagpipigil lang ng galit. Sa tono ng boses ni Athena, parang may pinagsamahan na silang apat. I think hindi talaga ako ang issue. Hindi ako ang dahilan kung bakit nagkakagulo g**o sila ngayon. There must be a bigger and deeper reason. Tumayo ako at hindi ininda ang sakit ng mga sugat ko. Nilapitan ko si Ryan. “Ryan, tama na. Diffuse the fire please.”, pakiusap ko sa kanya. Tiningnan nya ako ng deretso sa mga mata ko hanggang sa unti unti nang nawala ang apoy na nakapalibot sa amin. “Thank you.”, nakangiti kong sabi sa kanya. “I really can’t believe this. Hindi pa tayo tapos newbie!”, may pagbabantang sabi sa akin ni Athena. Umalis na sya pati na din ang iba naming kaklase. Kaming apat na lang ang naiwan dito. “Thank you guys for saving me.” “We need to go to the clinic.” After saying those, tumalikod na si Ryan at nauna nang maglakad sa amin. Sumunod naman si Jethro tapos kaming dalawa ni Riya. Kung kanina ay masaya ako na dumating sila, ngayon naman ay nahihiya ako dahil sa abalang naidudulot ko sa kanila. Now I wonder what life they have when I still in the normal world. “Riya, kailangan pa ba talagang pumunta tayo sa clinic?” “Of course, para malaman ng council ang ginawa ni Athena sayo.” “Anong connect nun sa pagpunta natin sa clinic?” “Once na makita ng nurse ang mga sugat mo, makikita nya kung sinong Elementalist ang may gawa nun sayo. Kaya hindi makakatanggi si Athena sa p*******t sayo. Then irereport ito ng nurse sa council.” “Tapos?” “Gagawa ng paraan ang council para hindi na maulit ang p*******t sayo ni Athena.” “Sa paanong paraan?” “Yan ang hindi ko na masasagot Akeesha. Sa sitwasyon nyo kasi ni Athena, pareho kayo ng element kaya magtatagpo at magtatagpo pa din ang landas nyong dalawa.” Hindi na ako nakapagtanong pa ulit dahil nakarating na kami sa clinic. Agad naman akong inasikaso ng nurse at ginamot ang sugat ko. “Mabuti na lang pala na pinuntahan ka namin. Baka mas malala pa ang inabot mo pag nagkataon.”, sabi ni Jethro habang pinapanood ang nurse sa paggagamot sa sugat ko. “Hindi ko pa din maintindihan kung bakit galit na galit sya sakin.” Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtitinginan nina Riya, Jethro at Ryan. I knew it. Mayroon pa akong hindi nalalaman sa kanilang apat. “Pagpasensyahan mo na lang. Maldita kasi yang si Athena.”, sagot sa akin ni Riya. “Don’t worry Akeesha. Irereport ko sa council ang nangyari para mailayo ka nila kay Athena.”, nakangiting sabi sa akin ng nurse. Ngumiti din ako at nagpasalamat sa kanya pati na din dun sa tatlo. Dahil kung wala sila, hindi ko na alam kung saan ako pupulutin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD