AKEESHA POV
“Paano mo nga ba nailabas ang element mo noon?”, tanong sa akin ni Jethro.
Nandito kami ngayon sa training ground dahil sina Riya, Jethro at Ryan ang magiging trainor ko. Nireport ni nurse Jane ang nangyari sa akin kahapon at eto na nga ang naging desisyon ng council. Nilayo nila ako kay Athena at yung tatlo na ang kasama ko lagi sa afternoon class ko.
“Hindi ko alam.”, nahihiyang sagot ko kay Jethro.
Napanganga naman silang tatlo sa akin. Hindi ko naman kasi talaga alam kung paano ko nagamit ang element ko noon. Ni hindi ko na nga masyadong matandaan ang mga pangyayari nung oras na yun.
“Akeesha, anong nangyayari sa palad mo?”
Napatingin ako sa mga palad ko. Maski sila ay sinilip din ito.
“Normal lang ito Riya.”, nakangiti kong sabi sa kanya.
Simula kasi pagkabata ko ay ganito na ang mga kamay ko. Bigla na lang silang namumula then babalik din naman sa normal na kulay nya. Wala naman akong nararamdamang ngalay o sakit kapag namumula ito.
“Masakit ba?”, tanong ni Ryan.
“Nope. Katulad nga ng sinabi ko, normal lang yan.”
“Baka kailangan na ipakita natin yan sa nurse?”
“Naku Riya, hindi na kailangan. Hindi naman sya masakit. Bata pa lang ako, ganyan na talaga sya.”
Hindi na nagpumilit pa si Riya. Tinanong ulit ako ni Jethro kung hindi ko daw ba talaga matandaan kung paano ko nagamit ang element ko. Sa kasamaang palad ay hindi ko talaga maalala kaya tinuro na lang nila kung paano ko mapapalabas ang element ko.
“Concentrate and feel your element inside your body.”
Ginawa ko ang sinabi ni Ryan. Nagconcentrate ako na parang nagyoyoga pero wala naman akong maramdaman sa katawan ko. Wala akong maramdamang tubig. Ipinikit ko ng madiin ang mata ko pero wala pa din talaga akong maramdaman.
“STOP!”
Nagulat ako nang biglang sumigaw si Ryan. Pati si Riya ay nagulat din. At ang naging reaksyon nya ay ang paltukin ito ng maliit na air ball.
“Ano ba Riya! Bakit ka nambabato?”, inis na sabi ni Ryan.
“Bakit ba bigla kang sumisigaw? Nakakagulat kaya.”, pairap na sabi ni Riya.
Hindi sumagot si Ryan at lumapit ito sa akin. Nabigla ako nang hawakan nya ang kamay ko. Hindi agad ako nakareact dahil sa sobrang gulat. Maski ata sina Riya at Jethro ay nagulat din.
“I think it’s not normal. Wala ka ba talagang nararamdaman sa mga kamay mo?”
Tiningnan ko ang mga kamay ko. Mas mapula na ito kumpara kanina. Parang any moment ay lalabas na lang bigla ang dugo sa mga kamay ko.
“Bukod sa hawak mo ang palad ko, wala naman na akong nararamdaman pang iba.”
Agad naman syang napabitaw sa kamay ko at tumalikod. Narinig ko din ang mahinang tawa nina Riya at Jethro. May mali ba akong nasabi?
“Bukas na lang natin ito ituloy.”
Umalis na sa training ground si Ryan. Tumingin ako kina Riya at Jethro at tanging iling lang ang naisagot nila sa akin. Ayoko pa naman sanang umuwi dahil wala pa kong nagagawa sa training ko. Ni hindi ko man lang napalabas ulit ang element ko.
“Okay lang yan Akeesha. Pangalawang araw mo pa lang naman sa training.”, nakangiting sabi sa akin ni Riya.
“Yun na nga eh. Nakadalawang araw na ako pero wala pa akong improvement sa sarili ko.”
“Don’t pressure yourself. One step at a time.”, sabi naman ni Jethro.
“Let’s go.”
Hinila na ako ni Riya palabas ng training ground kaya wala na akong nagawa kundi ang umuwi sa dorm namin. Magkasama kami ni Riya sa kwarto na ipinagpapasalamat ko dahil sya ang kasama ko.
Pagdating namin sa kwarto ay agad akong dumeretso sa cr para maglinis ng katawan at magpalit ng damit. Pagkahiga ko ay pinagmasdan ko ang mga kamay ko.
“Hindi na sya namumula.”, sambit ni Riya na nakatingin din pala sa mga kamay ko.
“Yeah.”, maikli kong sagot sa kanya.
KINABUKASAN.
“RYAN, ano bang ginagawa mo?”, sigaw ni Riya.
Nandito ulit kami sa training ground at halos mag-iisang oras na kami dito pero hindi ko pa din mapalabas ang element ko.
“Relax. Wala akong balak sunugin si Akeesha. Baka maparusahan pa ako kapag nakapatay ako ng isang elementalist.”, walang ganang sagot ni Ryan.
Pinalibutan nya kasi ako ng apoy sa hindi ko malamang dahilan. Pinipilit kong palabasin ang element ko nang biglang magpaapoy na lang si Ryan. Nung una ay malawak pa ang apoy na nakapalibot sa akin pero napapansin kong lumiliit ito at kapag hindi ako nakaalis dito ay paniguradong lalamunin ako nito.
Gusto kong sigawan si Ryan. Gusto kong humingi ng tulong kina Riya. But no. I know Ryan’s purpose. Ginagawa nya ito upang matrigger akong palabasin ang element ko. Ang problema lang ay hindi ko alam kung ano bang dapat gawin. Nadidistract ako sa apoy na palapit sa akin kaya hindi ako makaconcentrate. Idagdag pa na nakatingin silang tatlo sa akin at nag-aabang ng hakbang na gagawin ko.
Konting konti na lang at lalamunin na ako ng apoy. At dahil sa pagkataranta ko ay pumikit na lang ako. Sa pagpikit ko ay naramdaman ko ang mabilis na pagdaloy sa katawan ko ng element ko. Sobrang bilis na muntik pa akong mabuwal dahil sa pwersa. Agad kong minulat ang mga mata ko. Wala nang apoy ang nakapaligid sa akin. At pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas kaya dahan dahan akong umupo sa sahig.
“Nagawa mo Akeesha.”, masayang sabi sa akin ni Riya.
Hindi ko man nakita ang nangyari ay alam ko na ang tinutukoy ni Riya. Nagawa kong palabasin muli ang element ko.
“Nice one.”, sabi naman sa akin ni Jethro.
Inabot nya sa akin ang kamay nya upang alalayan akong tumayo. Nakangiti akong tinanggap iyon ngunit agad din akong napabitaw sa kanya na ikinataka naman nilang tatlo.
“Okay ka lang ba?”, nag-aalalang tanong ni Riya.
“Oo, okay lang ako.”
Kahit ang totoo ay hindi. Nung oras kasi na magdikit ang kamay namin ni Jethro, sumakit bigla ang kamay ko kaya napabitaw ako kaagad.
Marahan akong tumayo at ngumiti sa kanila upang hindi na sila mag isip pa. Pero hindi ko namalayan ang sunod na ginawa ni Ryan. Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko kaya napasigaw ako sa sakit.
“Akeesha!”
Agad kong binawi ang kamay ko kay Ryan at itinago ito sa likod ko.
“Akeesha, no need to hide it. It’s bleeding.”, plain na sabi ni Ryan.
Unti unti kong pinakita sa kanila ang mga palad ko. May mga sugat ito at nagdudugo pa. Ang mga sugat na ito ay yung parang nahiwa ng kutsilyo.
“Kailangan na nating ipakita yan sa nurse.”
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa gusto ni Ryan. Sinamahan nila akong tatlo sa clinic.
Mukang alam ng nurse ang nangyari dahil hindi na sya nagtanong pa. Kumuha sya ng bulak at pinahid ang mga dugo sa mga sugat ko. Pagkatapos nun ay nilagyan nya ito ng oil na hindi ko alam kung anong klase. Unti unting nawala ang hapdi ng mga sugat ko.
“Ilang beses mo na nagamit ang element mo Akeesha?”, tanong sa akin ng nurse.
“Dalawang beses pa lang po.”, nahihiya kong sagot sa kanya.
“It’s weird. Nanggamot na din ako ng ibang elementalist like this pero nangyayari lang yun kapag nasosobrahan sa paggamit ng element. As for your situation, hindi ka pa bihasa sa element mo, yet nagkakaganito na agad ang mga kamay mo. Nung nasa mundo ka ba ng mga tao, nangyari na din ito sayo? ”
“Hindi po, ngayon lang po nangyari yan. Usually kasi namumula lang sya pero wala naman akong nararamdamang kakaiba.”
“Mas mabuti pa siguro na sabihin ko ito sa council, baka sakaling matulungan ka nila sa problema mo. Sa ngayon, wag mo muna masyadong gamitin ang element mo.”
I thought maliit na issue lang ang pagsusugat ng mga kamay ko. Pero sa tono ng pananalita ng nurse, it might be something serious. But why?