MR. DAVIS POV Walang element si Princess Paira. Yun ang napansin ko habang inaatake ko sya dahil ang apat na kasama nya ang pumoprotekta sa kanya kapag umaatake ako. Hindi nya ako nilalabanan bagkus ang apat na kasama nya ang lumalaban para sa kanya. Hindi ko alam kung bakit nawalan sya ng element at kung paano sya nakasurvive sa Elemental World ng walang element. “Sumuko ka na lang Davis. Hindi mo ba nakikita? Nauubos na ang mga gwardya nyo. Sino ang susunod na lalaban sa amin? Ang mga estudyante mong hindi pa sapat ang kakayahan?” “Noong may element ka pa ay hindi ka nagtagumpay sa mga plano mo. Ngayon pa kaya na wala ka nang element?”, nakangisi kong sabi sa kanya. Tama nga ako. Base sa reaksyon nya sa sinabi ko, nasisiguro kong wala nga syang element. “Nakakatawa ka Davis. S

