Pero, agad naman niyang naimulat ang kanyang mga mata nang biglang may dumagan sa kanyang mga hita at nang tingnan niya ito ay ganu'n na lamang ang pagkaawang ng kanyang mga labi nang makita niya ang duguang si Monica na nakadapa pa nang bahagya sa kanyang kanlungan. "Honey!" sigaw ni Jerome at dahil sa sigaw ni Jerome ay biglang natauhan si Monique. Agad siyang napatingin sa kinaroroonan ng kanyang ina na agad namang nilapitan ng kanyang ama. At nang makita niya ang naging sitwasyon ng kanyang sariling ina ay saka nag-uunahan sa pagbagsak ang kanyang mga luha sa magkabila niyang pisngi. "Itaas ang kamay!" sigaw ng kararating lang na pulis at agad naman nilang nilapitan si Monique at kinuha nila mula rito ang hawak nitong baril. "Sandy!" takot na takot na tawag ni Michael sa kanyang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


