"Okay," narinig ni Monica na saad ng kanyang anak sa kausap nito sa phone nang gabing 'yon. "Don't let her escape kung ayaw niyong kayo ang malalagot sa akin." Ramdam na ramdam ni Monica na fierce sa boses ng kanyang anak at nakaramdam na rin siya ng kaba na hindi niya mawari kung para saan iyon. Nakakunot na rin ang kanyang noo nang marinig niya ang sinabi nitong huwag ng mga ito hahayaang makatakas dahil sila ang malalagot. "Wait for me there. I'll coming," sabi pa nito saka na nito tuluyang ibinaba ang hawak nitong phone. Napatago siya nang makita niyang napatingin sa paligid ang kanyang anak at agad din naman itong pumasok sa kwarto at nang muli itong lumabas ay nakita niyang may dala na itong shoulder bag. Muli pa itong napatingin sa paligid na para bang nakikimatyag kung may ta

