Hindi napigilan ni Michael ang mapaluha habang tahimik niyang pinagmamasdan ang kanyang anak na karga-karga ng kanyang biyenang si Marga. Dinala siya ni Sandy sa bahay ng mga magulang nito at paghinto pa lamang ng sasakyan sa tapat ng bahay ng mga ito ay tumambol na sa kaba ang puso ni Michael. Galit sa kanya ang kanyang mga biyenan dahil sa kanyang mga nagawa sa kanyang asawa kaya hindi na nakapagtataka kung bakit kumakabog ang kanyang dibdib. Napatingin siya sa kanyang kamay nanh bigla itong hinawakan ni Sandy nang mapansin nito na kabado siya habang pinipilit niya ang sariling maging kalmado pero hindi iyon nakatakas sa pakiramdam ng kanyang asawa. Nang binalingan niya si Sandy ay nakita niya ang paglitaw ng matamis na ngiti nito sa mga labi nito. "Let's go," aya ni Sandy sa as

