"Babe!" masiglang salubong sa kanya ni Monique. Nagtataka at naguguluhan siyang napatingin sa dati niyang nobya. Agad itong lumapit sa kanya at nang akma na sana siya nitong yakapin ay bigla naman niya itong bahagyang itinulak palayo sa kanya. "Why are you here?" nagtatakang tanong niya rito. "I just want to surprise you," nakangiti pa rin nitong sabi. "I told you already that we're-----"Wait," agad nitong singit sa iba pa sana niyang sasabihin. Masiglang naglakad si Monique palapit sa kusina niya at mula roon ay bahagya nitong hinila si Sandy palabas na siyang labis niyang ikinabigla. Ayaw naman ni Sandy na lumabas para magpakita sa kanyang asawa ay wala na siyang nagawa nang hilain siya ni Monique. "I asked her to help me to make this surprise for you." "Hi," bati sa kanya ni

