Habang nasa gitna sila ng daan at tumatakbo ang sasakyan ay talagang binusog ni Sandy ang kanyang mga mata sa katitingin sa paligid na kanilang nadadaanan.
"Wow! Ang ganda!" bulalas niya habang nakangiti nang kaytamis.
Abala naman si Michael sa pagmamaneho pero hindi naman nakaligtas sa kanyang paningin kung papaano lumiwanag ang mukha ng kanyang asawa habang nakamasid ito sa kapaligiran.
Nang ipinark na ni Michael ang sasakyan sa isang parking area ay agad na lumabas si Sandy habang manghang-mangha sa nakita.
"Do you know what place is this?" tanong niya sa kanyang asawa. He was expecting na alam nito dahil isa ang lugar na 'to sa bucket list nito na ibinigay sa kanila na para sana pupuntahan nilang dalawa ni Monique during their honeymoon.
"Gaudis Surealist Park?" hindi nito siguradong sagot.
"Come on," aya niya rito at agad naman itong napasunod sa kanya.
"Napakaganda!" muling bulalas ni Sandy habang nakamasid ito sa paligid ng park.
Ang Gaudis Surealist Park ay mas kilalang Park Guell ng mga taga Spain.
Napakalawak ng nasabing park dahil may sukat itong 17 hectare na binuo sa pagitan ng 1900 at 1914.
May 12 acres ng landscape garden na ginawa ni Antoni Gaudi at may 8 acres na woodland kung saan makikita ang mga nagtatayuang olive groves at pine forest.
Magaganda ang kanilang mga winding staircases tapos may mga semi-closed conversation seats na nagkalat throughout the garden space.
Tuwang-tuwang napalapit si Sandy sa isang splendid fountain. May nakikita siyang mga tao na nagtatapon ng coins du'n saka gumawa ng wish at gusto rin niyang gawin 'yon pero hindi niya magawa dahil ni isang piso ay wala siya.
Napatingin siya sa kanyang gilid nang may biglang sumundot sa kanya at nakita niya ang kamay na may hawak na coins na inaabot nito sa kanya.
Napatingin siya kay Michael habang hawak-hawak pa rin nito ang coins.
Mukhang nababasa yata ng kanyang asawa ang nasa isipan niya ng mga oras na 'yon habang nakatingin siya sa fountain.
Dali-dali naman niyang kinuha ang coins na nasa palad nito at bago pa man niya itinapon iyon sa fountain ay hinalikan muna niya ito habang nakapikit ang mga mata.
Natutuwa naman si Michael habang pinagmamasdan niya si Sandy and he secretly took a picture of her habang nakapikit ito at nakadikit sa mga labi nito ang coins na kanyang ibinigay.
Agad siyang nag-iwas ng tingin nang napatingin ito sa kanya bago nito itinapon ang hawak na coins. Nagkunwari siyang abala sa pagkuha ng magagandang tanawi gamit ang dala-dala niyang camera na talagang binili nilang dalawa ni Monique para sana gagamitin sa kanilang gagawing pamamasyal na magkasama.
Napatingin siya kay Sandy nang naramdaman na niya ang presensiya nito sa kanyang tabi.
"Are you done?" tanong niya rito.
"Hmmm," sagot nito na may kasamang pagtango.
Naglakad sila sa park nang sabay hanggang sa nakarating sila sa isang spectacular terrace ng park kung saan nila malayang matatanaw mula du'n ang ganda ng city at ang dagat.
Umakyat silang dalawa du'n saka sabay nilang pinagmasdan ang ganda ng lugar na 'yon habang nasa itaas sila ng terrace.
Lihim na paulit-ulit na kinukunan ni Michael ang kanyang asawa.
Nang magsawa ay nagpasya na rin silang bumaba saka sila pumunta sa isang picnic area ng park.
May mga nagpi-picnic du'n. Magpamilya, magnobya at magkakaibigan. Ang lugar na 'yon ay sadyang napakaganda sa mga mata at maraming pwedeng gawin ang mga namamasyal du'n.
"Hi, excuse?" Napatingin si Sandy sa kanyang likuran nang may babaeng nagsalita.
"Can I ask you a favor?" tanong nito nang pumihit siya paharap dito.
"Yeah! What is it?" tanong naman niya sa babae.
"Could you please, take us a picture?" pakiusap nito sabay abot sa kanya ng hawak nitong camera.
Napatingin siya sa mga kasama nito na nakatayo lamang sa may bandang likuran nito.
May isang lalaki na sa tantiya niya ay mas matanda pa sa babaeng kausap niya habang may hawak naman itong dalawang bata sa magkabila nitong kamay.
Sa tingin niya, magpamilya ang mga ito!
"Sure!" magiliw naman niyang sabi saka niya kinuha ang hawak nitong camera saka niya kinunan ang mga ito ng mga ala-ala na maaaring hindi nila nakalimutan sa tanang buhay ng mga ito.
"1, 2, 3, smile!" sigaw niya at agad namang nag-click ang hawak niyang camera. Habang si Michael naman ay tahimik na pinagmamasdan siya mula sa kinatatayuan nito at muli na naman siya nitong kinunan ng litrato habang aliw na aliw siya sa pagkuha ng larawan sa magpamilya.
Lumakad si Michael palapit sa kanila at maya-maya lang din ay natapos na rin si Sandy sa kanyang ginagawa.
"Thank you," nakangiting saad ng babae matapos ibigay ni Sandy dito ang camera nito.
"Are you couple?" tanong nito pagkatapos habang nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa.
Nang ibubuka na sana ni Sandy ang kanyang bibig para sumagot sa tanong ng babae ay inunahan naman siya ni Michael.
"Yes! We are," nakangiti nitong sagot.
Napatingin siya kay Michael na para bang nabigla. Sino ba naman kasi ang hindi mabibigla kung aangkinin ka na lamang bigla ng isang tao na asawa nito.
Oo, kasal nga sila pero hindi dahil sa nagmamahalan sila kundi dahil lamang sa isang pakiusap, dahil lamang sa pagnanais na makatulong.
At alam naman ni Sandy na ganu'n din naman ang nararamdaman ni Michael sa kanya dahil alam ng lahat lalo na ng Panginoon na sa simula pa lamang ay hindi siya ang babaeng pinangarap nitong makasama. Hindi siya ang babaeng gusto nitong pakakasalan at iharap sa altar upang pag-alayan ng habang-buhay na pagmamahal.
"Ahhhh! You're so cute! You're beautiful and he is handsome. I love your chemistry together," saad pa ng babae.
Napakadaldal ng babae pero mukhang wala yatang balak magpakilala sa kanila.
Napangiti na lamang silang dalawa habang pasimpleng tingin lamang ang pareho nilang ipinupukol sa isa't-isa.
"Because you helped me..." baling nito kay Sandy, "...in return, let me take a photo of you," sabi nito.
Bago pa man sila nakapag-react ay agad na nitong kinuha ang camera na hawak ni Michael.
"Make a pose," sabi nito sa kanila habang nag-eenjoy naman sa ginagawang sightseeing ang pamilya nito.
Nag-pose rin silang dalawa pero mukhang hindi gusto ng babae nag pose na ginawa nila.
"Closer," sabi pa nito at pareho silang dahan-dahang umusod palapit sa isa't-isa.
"Okay! 1, 2, 3, smile!" Napangiti rin silang dalawa.
"Another one!" sabi pa nito. "More closer."
Nagmumukha na itong photographer nilang dalawa at giliw na giliw naman ito sa ginagawa.
"Nice shot!" sigaw nito. "Stay close," sabi pa nito uli.
Napapiksi na lamang bigla si Sandy nang maramdaman niya ang braso ni Michael na dahan-dahang pumulupot sa kanyang beywang.
Pasimple niya itong tiningnan at nakita itong nakatingin din pala sa kanila kaya nagkatitigan silang dalawa na siya namang pag-click ng camera'ng hawak ng babae.
"Last shot. More intimate, please!" sabi nito.
Alanganing napatingin si Sandy kay Michael.
"Pwede bang sabihin mo sa kanya na tama na?" pabulong na parang pakiusap sa kanya ni Sandy pero imbes na gawin ang pakiusap nito ay bigla na lamang niya itong hinapit sa beywang.
Labis naman ang pagkabigla nito at mabilis nitong naiharang ang dalawa nitong braso sa kanyang dibdib habang yakap-yakap niya ito.
Dahan-dahan na kinuha niya ang dalawa nitong braso na nakaharang sa pagitan ng kanilang mga katawan saka niya bahagyang inakbay iyon sa kanyang batok.
Kukunin na sana ni Sandy ang kamay nito ay agad naman niya itong pinigilan.
"If you want to finish it quickly, then don't be so stubborn," pabulong na sabi niya rito kaya wala nang nagawa ang kanyang asawa.
Habang bahagyang nakapulupot ang dalawang kamay ni Sandy sa kanyang batok ay dahan-dahan naman niyang muling iniyakap ang dalawa niyang braso sa beywang nito at walang anu-ano'y idinikit niya ang kanyang noo sa noo nito at rinig na rinig niya ang pagsinghap nito at nang bahagya pa niyang inilapit ang kanyang mga labi sa mga labi nito ay naramdaman niyang napapiksi ito.
Lihim siyang napangiti dahil alam niya, nagkakaroon ng epekto kay Sandy ang lahat ang lahat ng kanyang ginagawa.
Kung mapaibig niya ito ay talagang masasaktan ito kapag iiwan na lamang niya bigla.
Kapag ginawa niya ang bagay na 'yon, malamang sapat na paghihiganti na 'yon para maiparating niya rito kung gaano kasakit para sa kanya ang pagtraydor nito sa kanya.
Agad napahiwalay sa kanya si Sandy at nakangiti namang ibinigay sa kanya ng babae ang kanyang camera.
"Thank you," aniya nang tanggapin na niya ang camera.
"You really have a beautiful wife. You are 100% a perfect!"
Napangiti siya sa sinabi ng babae habang si Sandy naman ay nakayuko at pilit na iniiwasan ang kanyang tingin.
"Yeah, I know. Thank you for your compliment," saad niya at agad namang nagpaalam ang mga ito.
Napatingin siya kay Sandy at napansin niya ang pamumula ng pisngi nito.
Pilyong nilapitan niya ito saka walang babalang hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi na siyang ikinagulat nito nang labis.
"Why are you blushing?" tanong niya rito pero imbes na sagutin siya ay napaiwas ito ng tingin at inilayo ang sariling pisngi mula sa kanyang mga palad.
"H-hindi naman," pagtatanggi nito pero hindi niya ito tinantanan. He found it cute!
"Dahil ba sinabihan kang maganda ng babaeng 'yon o dahil sinabi nitong perfect talafa tayong dalawa?" panunukso pa niya na siyang lalong nagpainit sa mukha ni Sandy.
Pinipilit ni Sandy ang iwasan ang kanyang mga tingin pero panay naman ang ginagawa niyang paghuli sa mga mata nito. Sinisilip-silip pa niya ang mukha ng kanyang asawa at ngayon lang niya napagtantong mahiyain din pala si Sandy.
"N-nagugutom na ako," pag-iiba nito ng usapan saka nagpatiuna na ito sa paglakad paalis sa lugar na 'yon.
Hindi mawala-wala sa mga labi ni Michael ang ngiti habang sinusundan niya ng tingin ang papalayong si Sandy.