Ilang oras na ang inilagi ni Michael sa chill out area ng restaurant kaya nagdesisyon na rin siya upang lumabas at didiretso sa room nila at nang nakapasok na siya ay ang unang nakita niya ay ang natutulog na si Sandy sa ibabaw ng kama.
Dahan-dahan na nilapitan niya ito saka niya inayos ang pagkakahiga nito dahil nakabaluktot ito at wala man lang kumot sa katawan.
Hindi pa ito nakapagbihis dahil nga wala itong dalang sariling gamit. Bakit ba imbes na galit ang kanyang nararamdaman para rito ay naaawa pa siya rito?
Napailing na lamang siya na para bang mali ang kanyang nararamdaman. Ang taong traydor ay hindi kailanman dapat kaawaan.
Bahagya niyang iniangat ng konti ang ulo nito saka niya inayos ang pagkakaunan nito at kinumutan din niya ito pagkatapos.
Nilapitan niya ang kanyang suitcase saka niya ito binuksan. Hinalungkat niya ang laman nu'n at napatingin siya sa gamit ni Sandy na kinuha niya rito kanina.
Binuksan niya ang bag nito at nakita niya du'n ang wallet nito pati na ang iba pa nitong mga IDs.
Naagaw ang kanyang pansin nang biglang nag-vibrate ang phone nito at nang tingnan niya ay nakita niya ang isang pangalan na naka-register sa phone nito.
It's a Babe!
So, kung hindi siya nagkakamali, boyfriend nito ngayon ang tumatawag sa phone nito.
Napatingjn siya kay Sandy na mahimbing pa rin ang pagkakatulog nito. Talagang napagod ito sa kanilang biyahe.
Nakapag-isip siya ng isang paraan na maaari siyang makakaganti sa kanyang asawa.
"Yes? Who's this?" tanong niya sa caller ni Sandy nang sagutin niya ang tawag nito.
"Who's this? Why did you have my girlfriend's phone?" tanong ni Romnick mula sa kabilang linya.
"Girlfriend? How come she became your girlfriend?" muling tanong niya rito.
Pinaglalaruan siya ng mga ito kaya ngayon, siya naman ang makipaglaro. Lintik lang ang walang ganti, ika nga!
"Will you stop fooling me around? Who are you and where's Sandy, my girlfriend?"
Randam na ni Michael ang inis sa boses ng kanyang kausap ng mga oras na 'yon na siya namang ikinatuwa niya.
"She's my wife. Didn't you know about it?" tanong niya.
"What?! Are you kidding me?" gulat nitong tanong sa kanya at napangiti naman siya du'n.
Tumayo siya, lumapit sa kama saka siya umakyat at niyakap niya si Sandy and then he captured that moment pati na ang kamay nila pareho na may suot na singsing.
Pagkatapos ay sinend niya iyon sa nobyo nito na siyang ikinagalit nito ng labis!
Biglang nawala mula sa kabilang linya si Romnick at ang pagkawala nito mula sa kabilang linya ay nagpangiti naman kay Michael. Pakiramdam niya, isang malaking tagumpay ang kanyang nagawa.
Nilingon niya si Sandy habang ang mga ngiti sa kanyang mga labi ay hindi mawala-wala.
At nang babangon ba sana siya ay biglang tumagilid paharap sa kanya ang kanyang asawa kasabay ng pagdantay ng isa nitong binti sa kanya pati na ang isa nitong braso.
Napapiksi siya at talagang nagulat sa ginawa ni Sandy. Sunod-sunod ang pagkabog ng kanyang dibdib sa sobrang kaba na nadarama.
Napatingin siya sa kanyang asawa na mahimbing ang pagkakatulog. Napadako ang kanyang mga mata sa mga labi nito kaya muling nanariwa sa kanyang ala-ala kung papaano niya inangkin ang mga labi nito kanina.
Sa totoo lang, habang nilalasap niya ang tamis at ang pagiging malambot ng mga labi nito ay talagang nawala kaagad siya sa kanyang katinuan.
'Yong mga labi ni Sandy na para bang droga na nakakaadik na para bang ayaw mo nang tigilan at pakawalan.
Habang nag-e-explore ang kanyang kamay sa katawan nito ay nakaramdam siya ng damdamin na parang ayaw na niyang huminto hangga't hindi niya nagagawa ang kanyang gustong mangyari. Sa madaling sabi, Sandy is an irresistible woman!
The feelings he felt that moment ay hindi niya nararamdaman sa piling ni Monique. Bakit kaya?
Kahit sa sarili niya ay hindi rin niya alam kung bakit basta ang alam lang niya, nandito sila ngayon sa Spain dahil sa galit na kanyang naramdamam.
Bago pa man siya tuluyang mawala uli sa wastong pag-iisip ay dahan-dahan niyang kinuha ang braso nito na nakapatong sa ibabaw ng kanyang dibdib saka niya ito ibinaba pagkatapos ay dahan-dahan din niyang inilayo mula sa kanya ang binti nitong nakapatong sa kanya at nang naalis na niya ang lahat nang nu'n ay dali-dali siyang bumaba ng kama saka na siya nakahinga ng maluwag.
Kinabukasan ay tanghali na nang magising si Sandy.
Nakamulat na ang kanyang mga mata pero mukhang wala pa yata siyang balak na bumangon dahil para saan pa pero nang maaalala niya si Michael ay bigla siyang napabalikwas ng bangon saka siya napalingon sa paligid mg kwartong 'yon pero wala siyang nakitang bakas na pagmamay-ari ng kanyang asawa.
Napatingin siya sa pintuan nang bigla itong bumukas at iniluwa iyon ni Michael.
Tinapunan lamang siya nito ng panandaliang tingin saka ito dumiretso sa kama at inilapag nito du'n ang dala nitong paper bag.
Agad siyang nag-iwas ng tingin nang makita niya ang pagtingin nito sa kanya.
"I bought you a clothes. Use it so you can change," sabi pa nito saka muling lumabas ng kanilang kwarto.
Napatingin siya sa paper bag na ipinatong nito sa ibabaw ng kama. Dali-dali niya itong nilapitan saka niya ito tiningnan.
Halos lahat ng damit na binili nito sa kanya ay mga tea dresses, empire waist and A-line dresses.
Napaawang ang kanyang mga labi nang may nakita siyang underwears, panty at saka brassierre niya.
Kinapa niya ang kanyang magkabilang pisngi dahil pakiramdam niya napakainit na na ng kanyang mukha at sigurado siyang pulang-pula na ito ng mga oras na 'yon.
Matagal na naging sila ni Romnick pero ever since, hindi talaga ito nakabili ng underwear para sa kanya.
Hindi talaga niya inaasahan na ang ibang lalaki pa ang unang gumawa nu'n para sa kanya.
Pero naisip din niya na kaya siya nito binilhan dahil sa nagising na ito sa kung ano mang katarantaduhang ginawa nito sa kanya.
Agad siyang naligo dahil kagabi pa siya kating-kati. Kagabi pa siya walang bihis at siguradong nangangamoy na siya ng mga oras na 'yon.
Matapos siyang maligo ay agad siyang nagbihis dahil sa takot na baka maabutan pa siya nito sa ganu'ng sitwasyon.
May kung anong hiya ang kanyang naramdaman nang kumusya ang underwear na binili nito para sa kanya.
"Paano kaya nalaman ng lalaking 'to ang size ko?" tanong ng kanyang isipan at bigla na lamang siyang natigilan nang maaalala niya ang muntikan na nitong pag-angkin sa kanya kagabi.
Napayakap siya sa kanyang sarili nang nanariwa sa kanyang isipan kung papaano nito haplusin ang kanyang dibdib kagabi. Naaalala niya kung papaano nito hinalikan ang kanyang leeg pati na ang kanyang dibdib.
Nahihiya na tuloy siya at hindi na niya alam kung papaano niya ito muling tingnan.
Hindi na tuloy niya alam kung kaya pa ba niya itong harapin. Halos buong katawan na niya ang nakita nito kaya malamang natural lang din sa isang katulad niya ang mahiya at makaramdam ng pagiging awkward.
Pinapatuyo na niya ang kanyang buhok nang muling dumating si Michael at nakita naman siya nitong nakatingin sa kaharap na salamin.
"I will go somewhere and I'll wait for you at the lobby. After 5 minutes, if you still don't have a plan to go with me, if you still have a hesitation to be with me, I will go by myself and I will not wait you. You can locked up yourself here but if you want to go with me, I'll be at the lobby within 5 minutes only."
Bilin nito saka walang lingon-likod na lumabas uli ng kanilang kwarto.
Naiwan si Sandy na naguguluhan at hindi alam kung ano ang kanyang gagawin.
Kung mananatili siya rito sa loob ng kwarto, wala siyang makakain dahil wala siyang pera, hindi siya maaaliw at mabo-bored lamang siya .
Pero, ayaw naman niyang sumama sa takot na baka may gagawin na itong masama sa kanya.
Nakailang ulit nang umupo saka tumayo si Michael nang mga oras na 'yon.
Panay ang tingin niya kapag may elevator na bubukas sa pag-aakalang si Sandy na ang lalabas pero mukhang wala yatang balak ang kanyang asawa na sumama s kanya sa araw na 'yon.
Tumayo na siya para umalis na lamang. Bahala na si Sandy sa buhay nito. Wala siyang pakialam kung ano ang gagawin nito kapag hindi siya nito kasama.
Nang nasa labas na siya ng hotel ay may dumating na sasakyan at tumapat ito sa kanya.
Mula sa driver seat ay umibis ang isang lalaki saka ito maliit sa kanya at inabot nito sa kanya ang susi ng sasakyan.
Nagrenta siya ng sasakyan para gagamitin niya sa pamamasyal.
Agad siyang pumasok sa sasakyan at nang papatakbuhin na sana niya ang sasakyan ay muli siyang napatingin sa labasan ng hotel at ganu'n na lamang ang pagbangon ng tuwa sa kanyang puso nang makita niya si Sandy na nagmamadali sa paglapit sa kanyang kinaroroonan.
Nang nasa tapat na ito ng sasakyan na gagamitin nila ay agad niyang ibinaba ang windshield ng kotse.
"I thought, you don't want to go with me," pabiro pa niyang saad.
"W-wala akong gagawin sa loob kung hindi ako sasama," sabi naman nito saka agad na binuksan ang pintuan ng kotse at umupo ito sa kanyang tabi.
Napatingin siya sa kanyang asawa na sa ibang side nakatuon ang mga mata dahil sa hiya. Hindi siya nito kayang tingnan ng diretso.
Napatingin siya sa seatbelt nito at walang ano-ano'y bahagya niyang inilapit ang kanyang katawan dito para ikabit ang seatbelt nito na siya namang paglingon nito sa kanya dahil sa gulat na naramadaman nito sa kanyang ginawa.
Mabilis ding napahawak ito sa seatbelt nito.
Nagkatitigan sila habang nararamdaman na naman nila pareho ang pagkabog ng kanilang mga dibdib.
They always felt the nervousness whenever they have this kind of moment, whenever they felt each other's skin, whenever they have an eye to eye contact.