"Why? Are you afraid of me?" tukso nito sa kanya.
Napaatras siya nang humakbang ito palapit sa kanya.
"You agreed to get married with me tapos matatakot ka sa akin?" saad nito habang patuloy pa rin ang ginagawa nitong paghakbang palapit kanya.
"Hindi mo naiintindihan ang mga nangyari. Pumayag lang ako dahil gusto ko lang tumulong. Hindi naman siguro masama 'yon, hindi ba?"
Bumangga sa pader ang likuran ni Sandy kaya hindi na niya magawa pang umatras para maiwasan ang mapagnumbat na tingin ni Michael sa kanya ngayon.
Muling uminit ang dugo ni Michael nang muli nitong narinig ang salitang tulong.
Tulong para maisakatuparan ni Monique ang panloloko nito sa kanya.
Galit na pasuntok na inilapat niya ang kanyang palad sa pader kung saan nakasandal si Sandy sa may gilid banda ng mukha nito.
Napapikit naman si Sandy sabay piksi dahil sa ginawa ni Michael.
"Alam mo na kung ano ang naging epekto sa akin ang ginawa mong pagtulong sa kanya?" galit nitong tanong sa kanya.
"I've been waiting for this day to come but look what was the result? Napunta lang sa wala ang lahat ng ginawa kong paghihintay and it's all because of your damn help!"
Napapikit si Sandy habang sinisikap na maging kalmado kahit na ang totoo, kumakabog na ang kanyang puso.
"You destroyed what I've been dreaming of kaya dapat lang na pagbayaran mo ang ginawa mo," sabi ni Michael sabay hapit sa beywang ni Sandy kaya nagkadikit ang kanilang mga katawan.
Kanya-kanya na sa pagkabog ang kanilang dibdib na lingid naman sa kaalaman ng bawat isa.
Galit si Michael kay Sandy but there's a part of him na hindi mapalagay everytime he felt Sandy's bare skin on his.
Nagkatitigan sila for a moment until Michael decided to claim Sandy's lips without asking her permission, without hesitation.
Noong una ay talagang natigilan si Sandy. Sobra siyang nabigla sa ginawang pag-angkin ni Michael sa kanyang mga labi.
Pero nang maramdaman niya ang bahagyang paggalaw ng mga labi nito ay unti-unti na siyang nilalamon ng kakaibang sensasyon na idinudulot nito sa kanyang buong pagkatao.
Naikuyom niya ang kanyang dalawang palad na para bang du'n siya kumukuha ng lakas.
Maya-maya pa ay nararamdaman na niya ang kamay ni Michael na himahaplos sa kanyang likuran habang angkin nito ang kanyang mga labi.
Kakaiba ang kanyang nararamdaman. Para siyang nalulunod sa init na unti-unti nang lumulukod sa buo niyang pagkatao at sa tamis na hatid ng halik sa kanya ni Michael.
Ang ganitong pakiramdam ay hindi niya nararamdaman sa tuwing si Romnick ang kanyang kahalikan. Bago para sa kanya ang ganitong damdamin. Ang damdamin na kay Michael lamang niya nadarama sa unang pagkakataon.
Pero bago pa man siya tuluyang nawala sa katinuan ay agad na niyang itinulak ang kanyang asawa na siya namang ikinagalit nito kaya imbes na iwan siya ay muli siya nitong hinapit sa beywang saka marahas na inangking muli ang kanyang mga labi.
Kung ang paraan ng paghalik nito sa kanya kanina ay banayad at maingat, ngayon ay marahas at may pwersa nang kasama.
Pilit pa rin niyang kumuwala pero lalo lamang siyang nahirapan nang mahigpit na niyakap siya nito saka muli siya nitong ginamitan ng lakas kaya nagkapalitan sila ng pwesto.
Sinusuntok niya ang bandang likuran nito habang paatras na inihakbang nito ang kanyang mga paa.
Ni minsan ay hindi nito naisipang pakawalan ang kanyang mga labi at mas lalo pang lumalim ang ginawa nitong paghalik sa kanya nang hawakan siya nito sa bandang likuran ng kanyang noo.
Patuloy siya nitong iginagaya palapit sa kama habang patuloy siyang nagpupumiglas at nang sumandal na ang mga binti ni Sandy sa gilid ng kama dahilan para hindi na siya makaatras pa ay pagalit na binaklas ni Michael ang kanyang damit dahilan para mag-uunahan sa pagbagsak ang butones ng blusang suot niya.
Walang awang mabilis na hinubad ni Michael ang kanyang damit at patapon na binitiwan sa ibaba ng kama saka siya mabilis na itinulak dahilan ng kanyang pagbagsak sa ibabaw ng malambot na kama na kanina pa naghihintay sa kanilang dalawa.
Nang napahiga na siya ay sinubukan pa niyang bumangon at tatakas pero maagap naman ang ginawang pagpigil sa kanya ng kanyang asawa.
"Michael, please let me go!" nakikiusap niyang saad sa pagitan ng pagpuumilit sa pwersa nito pero tuluyan nang naging bato si Michael dahil sa galit at pagkabigo na nadarama nito.
Muli nitong inangkin nang walang awa ang kanyang mga labi habang ang dalawa niyang kamay ay hawak-hawak nito sa ibabaw ng kanyang ulo.
Kahit na anong pagpupumiglas ang gagawin ni Sandy ay talagang wala na siyang magagawa pa lalo na at tuluyan nang kinain ang kanyang asawa ng galit nito.
Wala na siyang nagawa pa kundi ang umiyak na lamang habang ang mga labi ng kanyang asawa ay nagappaulan ng mumunting halik sa kanyang leeg pati na sa kanyang dibdib.
Napatigil si Michael sa ginagawa niyang paghalik kay Sandy nang hindi na niya naramdaman ang nagpupumiglas nito. Napaangat siya ng mukha saka niya tiningnan ang kanyang asawa at nakita niya ang masasagana nitong mga luha na walang tigil sa kadadaloy sa magkabila nitong pisngi.
Nandu'n na naman sa puso niya ang pakiramdam na para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang makita niya uli ang mga luhang 'yon.
Napatingin siya sa itaas na bahagi ng katawan ni Sandy na ang tanging saplot lamang ay ang suot nitong brassierre.
May kung anong guilty siyang nadarama at konsensiya na rin ang bigla na lamang bumalot sa kanyang buong pagkatao.
"What have you done, Michael?" tanong ng kanyang isipan habang pinagmamasdan niya ang mga mata ni Sandy na puno ng mga luha habang nakatuon ito sa kabilang side ng kwartong 'yon.
Inis na binitiwan niya ang mga kamay ni Sandy saka siya napaupo sa gilid ng kama. Napahilamos niya ang sarili niyang mga palad sa kanyang mukha at maya-maya ay pasimple niyang nilingon ang si Sandy na nanatili pa ring nakatihaya pero hindi sa kanyan nakatingin.
Bigla siyang napatayo saka galit na kinuha niya ang kanyang leather jacket na nakapatong sa kanyang dalang maleta at agad na lumabas mula sa kwartong 'yon.
Dumiretso siya sa chill out area ng hotel saka siya uminom ng alak para kahit saglit ay makalimutan niya ang katarantaduhang ginawa niya.
Gusto naman talaga niyang makaganti at isa iyon sa mga naisip niyang paraan pero bakit siya nakokonsensiya ngayon? Dahil ba hindi siya nasanay sa ganitong gawain? Dahil ba ni minsan, hindi niya naranasan ng magalit nang ganito? Dahil ba minsan, hindi niya inisip na mararanasan niya ang mabigo?
O baka, hindi lang talaga niya matanggap ang katotohanan na kaya siyang ipagpalit ng babaeng minahal at pinangarap niyang makasama habang-buhay?
Habang nagmumuni-muni si Michael ay umiiyak pa namang bumangon na mula sa pagkakahiga si Sandy saka niya hinagilap ang kanyang blouse at nakita niya itong nakalatag lamang sa ibaba ng kama.
Pinulot niya ito at nang muli na sana niya itong susuotin ay saka lang niya napansin ang nagkalasug-lasog na nitong mga butones.
Nanlulumong napaupo siya sa gilid ng kama at muli siyang nakaiyak nang muli niyang maaalala kung papaano hablutin ni Michael ang kanyang damit.
One week silang mananatili sa banyagang bansang 'to. Unang dating pa lamang nila rito ay ganito na ang ginawa ni Michael sa kanya. Ano na kaya ang mangyayari sa kanya nitong susunod pang mga araw?
Kailangan niyang makaalis dito. Kailangan niyang matakasan ang kung ano pa mang binabalaka na gawin sa kanya ng kanyang asawa.
Napatingin siya sa maleta na dala nito. Hindi niya alam kung ano nga ba ang laman nu'n pero sigurado siyang nasa loob ng maletang 'yan ang mahahalagang bagay na pagmamay-ari niya. Ang mga bagay na kailangan niya upang matakasan niya ang kung ano mang maitim na binabalak sa kanya ngayon ni Michael.
Isinuot niya ang kanyang blusa kahit na ubos na ang mga butones nito saka mabilis na nilapitan niya ang maleta ni Michael at sinubukan niyang buksan pero ang malaking problema niya ay naka-lock ito at nangangailangan ng password.
Sinubukan niya ang mga naisip niyang posibleng passwords nito pero hindi gumana.
Kahit na ilang ulit na niya sinubukang buksan ang naka-lock nitong suitcase ay talagang wala siyang napala.
Wala na siyang ibang nagawa maliban na lamang sa pag-iyak. Nagugutom na siya at may key card naman siya para sa kwarto nila, anytime pwede siyang nakalabas pero wala naman siyang hawak na kahit konting halaga ng pera para pambili ng pagkain.
Wala rin siyang ibang gami na dala maliban sa kanyang suot ngayon na sinira pa ni Michael kanina.
Ano na ang mangyayari sa kanya? Makaka-survive kaya siya sa piling ni Michael sa loob ng ilan lang mga araw?
Gulong-gulo ang utak na ibinagsak niya ang sarili niyang katawan sa ibabaw ng kama. Kung ano man ang mangyayari sa kanya sa mga susunod pang mga araw ay ngayon pa lamang, dapat na niya itong tatanggapin para naman hindi masyadong masakit para sa kanya.
Bigla siyang napabangon mula sa kanyang pagkakahiga nang may nag-door bell at nang mapagbuksan niya ito ay saka lang napaawang ang kanyang mga labi.
Isang waitress na may tulak-tulak na isang trolley na may lamang pagkain.
"Here's your food, Ma'am," nakangiting saad ng waiter saka niya niluwagan ang pagkakaharang niya sa pintuan kaya nakapasok ng maayos ang waitress.
"Thank you," aniya matapos ayusin ng waitress ang pagkain.
Agad nagpaalam ang waitress sa kanya at kahit na gusto mang iwasan ni Sandy ang pagkain para naman maipakita niya kay Michael na tigasin siyang tao ay hindi pa rin talaga niya kayang tiisin ang kanyang sikmura na kanina pa nagrereklamo.
Matapos ang ilang sandali ng pagmumuni-muni ay napagsayahan na rin ni Sandy ang kumain na lamang para naman kahit papaano, may sapat siyang lakas upang labanan si Michael kung sakali mang may binabalak pa itong masama sa kanya.
Kakain siya at bubusugin niya ang kanyang sarili dahil hinding-hindi siya magpapatalo sa kanyang asawa na hindi naman niya pinangarap na makasama habang-buhay.