Bago pa man nakapasok si Sandy sa sasakyan ay mabilis niyang tinabig ang kamay ni Michael at nang nagkaroon siya ng pagakkataong makatakbo ay agad niya iyong sinunggab pero mabilis naman ang naging kilos ni Michael.
Mabilis siya nitong niyakap sa kanyang beywang kaya hindi niya naituloy ang gagawing pagtakas.
"Let me go!" muli niyang sabi habang nagpupumiglas pero masyadong malakas si Michael.
"No! You can't take them away from me!" sigaw niya nang sinubukang kunin ni Michael mula sa kanya ang kanyang bag na naglalaman ng mga mahahalagang bagay sa kanyang buhay gaya ng credit cards niya, mga mahahalagang ID's pati na ang kanyang passport.
Nang maagaw na ito ni Michael ay sinubukan pa niyang agawin 'yon pero sadyang hindi niya magawa.
"Please, give them back to me," pakiusap uli niya rito pero hindi siya nito pinakinggan sa halip ay inihagis nito sa loob ng kotse ang kanyang bag.
"Get in," pautos na sabi ni Michael.
Sa halip na sundin ay sinubukan pa talaga ni Sandy ang tumakas pero kahit na anong gawin niya, talagang hindi siya makakatakas sa malalaking bisig ni Michael.
Muli siya nitong sinubukang ipasok sa sasakyan nito pero nanatili pa rin siyang matigas. Pinipilit pa rin niyang kumuwala kahit na alam niyang wala siyang laman kapag ginamitan na siya ni Michael mg buong lakas nito.
Mabilis na itinulak niya si Michael at muling sinubukang makatakas pero galit na muli siya nitong binaklas sa kanyang braso saka siya nito isinandal sa sasakyan nito.
Napatigil siya nang biglang inilapit ni Michael ang mukha nito sa kanyang mukha.
Napaawang ang kanyang mga labi sa sobrang kaba at nang muli niyang maramdaman ang init ng hininga nito sa kanyang pisngi ay kumabog na lamang ang kanyang puso hindi dahil sa takot na nararamdaman kundi dahil sa kakaibang damdamin na hatid nito sa kanyang buong pagkatao.
Napatigil siya sa kanyang pagmumumiglas habang ang puso naman niya ang nagwawala.
Nagkatitigan silang dalawa at napadako ang mga mata ni Michael sa mga labi ni Sandy nang hindi niya sinasadya.
Nandu'n na naman ang kakaibang damdamin na naidulot nito sa kanya pero hindi siya dapat magpapadala sa kung ano man ang damdamin na bigla na lamang lumukob sa kanyang buong pagkatao.
"If you care about your business, you better keep your mouth shut and do as I say," pabulong na sabi ni Michael sa punong tainga ni Sandy.
"What do you mean? Anong binabalak mo sa negosyo ko?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Sandy dito.
"If you dare to fight against me, malalaman ng buong mundo ang totoong nangyari sa araw na 'to and I'm sure, patok sa lahat ang ganitong issue at malalaman nila kung anong klaseng negosyo ang mayroon ka na pwede mo iyon ikasisira."
Nakaramdam ng pagkatakot si Sandy sa kanyang narinig. Alam niyang mapera si Michael at kahit na anong gusto nitong gawin, sigurado siyang magagawa nito ora mismo.
Pagod, oras at sakripisyo ang naging puhunan niya sa kanyang negosyo kaya masakit para sa kanya kung sakali mang mawawala ito sa kanya nang ganu'n-ganu'n lang.
Hangga't kaya niya ay aalagaan at poprotektahan niya ito dahil pawis at dugo niya ito.
Pagalit na binitiwan ni Michael ang kanyang braso saka nito muling binuksan ang pintuan ng sasakyan na malapit lang sa kanyang sinasandalan.
Matapos nitong buksan ang sasakyan ay iniwan na siya nito at lumakad na ito papunta sa may bandang driver seat at bago pa man ito pumasok ay muli pa siya nitong tinapunan ng tingin habang nakatayo na siya nang maayos at nakatalikod dito.
"The future of your business is in your hands right now. Nakadepende na sa'yo ang lahat," saad nito saka agad na pumasok sa loob ng sasakyan nito.
Narinig pa niya ang ginawa nitong pagsara sa pintuan.
Kahit na mahirap para kay Sandy ang lahat ay kakayanin niya huwag lang masira ang isang bagay na naging buhay na niya.
Dahan-dahan na pumasok siya sa loob ng kotse nito habang pinipilit ang sariling huwag mapaiyak dahil matutuwa lamang ng labis si Michael kapag nakikita siya nitong napanghihinaan na ng loob.
"Wear your seatbelt," matigas nitong sabi sa kanya pero kung gaano man ito katigas ay kaya naman niyang pantayan ang pagiging matigas nito ngayon.
Pagalit na hinablot ni Michael ang seatbelt niya at nang ikakabit na sana nito ang seatbelt ay mabilis niya itong pinigilan.
"Stop!" sigaw nito sa kanya.
Bahagyang natigilan si Michael nang hindi niya inaasahang makita ang masasaganang luha na dahan-dahan na nagsilandasan sa magkabilang pisngi ni Sandy.
May kung anong napakalamig na tubig ang bigla na lamang bumuhos sa kanya.
Agad siyang napaiwas ng tingin nang matapos niyang ikabit ang seatbelt nito.
"You can't change my mind with those tears," matigas niyang tugon saka mabilis na pinasibad niya ang sasakyan palayo sa resort na 'yon.
Galit na pinahid ni Sandy ang kanyang mga luha saka niya ibinaling ang kanyang tingin sa labas ng sasakyan habang ang kanyang mga luha naman ay walang tigil sa pagdaloy sa magkabila niyang pisngi.
Pagdating nila ng airport ay agad silang sinalubong ng isang lalaki at nakita ni Sandy na may inabot ang lalaki kay Michael.
Tantiya niya, iyon na ang ticket na kabibili lang nito para sa kanya at isang malet na sa tingin niya ay mga gamit nito.
Papaano na siya ngayon, ni isang underwear wala siyang dala. Ano ba talaga ang binabalak sa kanya ni Michael?
Dala-dala rin kasi niya palagi sa kanyang wallet ang kanyang passport kaya hindi na nahirapan ang mga ito na dalhin siya sa Spain.
Agad silang nag-board sa eroplano na sasakyan nila. Naging sunud-sunuran lang si Sandy sa lalaking kanyang pinakasalan dahil sa isang pakiusap.
Iisang valid ID lamang ang ibinigay nito sa kanya na maaari niyang gagamitin kung sakali mang mangangailangan siya nu'n pero ang wallet pati na ang kanyang cards at passport ay talagang itinago nito upang hindi niya makuha.
Nababasa niya ang takbo ng isipan nito. Iniisip nito na kapag may pera siya at nasa kanya ang kanyang passport, may pasibilidad na uuwi siya ng Pilipinas at iiwan niya ito.
Ngayon, bilib na bilib na siya rito!
Hindi man sila magkatabi ay siniguro ni Michael na hindi gagawa ng masama si Sandy na maaari nilang ikapahamak.
Samantala sa kabilang banda naman ay gustong-gusto na talaga ni Sandy ang tumakas uli pero natatakot naman siya na baka kung ano ang kayang gawin ni Michael sa kanyang negosyo na ilang taon din niyang tiniis para lamang mapalago kaya kahit na anong gusto pagnanais niyang makatakas ay hindi pa rin niya magawa.
Makalipas ang ilang oras ay sa wakas nasa banyagang bansa na rin sila.
Lumanding na rin ang eroplanong sinasakyan nila sa Barcelona International Airport!
Naunang lumabas si Michael at hinintay niya sa labasan ang kanyang asawa at kung tutuusin ay kayang-kaya na ni Sandy ang tumakas. Pero, ano pa ba ang magagawa niya? Nasa kay Michael na ang lahat ng kanyang mga mahahalagang gamit.
She has nothing right now even the small amount of penny. Talagang wala siya kaya papaano niya magagawa ang kagustuhan niyang makatakas?
Paglabas niya ng airport ay nakita niya kaagad si Michael na nakatayo at nakatalikod sa kanya. Alam niyang hinihintay siya nito.
Nang inihakbang na niya ang kanyang mga paa palapit dito ay siya namang pagpihit nito paharap sa kanya.
Sumakay sila ng taxi papunta sa hotel na si Sandy mismo ang nag-booked.
Pagdating nila sa Ayre Hotel Rosellon ay agad na silang bumaba.
Napatingin si Sandy sa hotel na binook niya para sana sa dalawang ikakasal at talagang napahanga siya sa ganda nitong taglay.
Hindi niya napigilan ang sariling mapaawang sa kagandahan ng hotel na nasa harapan nila ngayon.
Nakita na niya ito sa website pati na rin sa mga article kung saan siya kumukuha ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa hotel na 'yon pero hindi niya aakalain na ganito pala ito kaganda kapag napagmasdan sa personal.
Napatingin si Michael sa kanya at nakita nito kung papaano siya nabighani sa gandang taglay ng lugar na 'yon lalo na at dumidilim na ang paligid, nagsisindihan na rin ang mga ilaw sa kapaligiran lalo na ang hotel.
"Haven't you been here even once?" Napatingin sa kanya si Sandy pero saglit lang, agad naman itong nagbawi ng tingin saka nagpatiuna na sa paglakad papasok ng hotel.
"Gusto ko nang magpahinga," saad nito at agad naman siyang sumunod.
Agad silang sinalubong ng isang bellman at tinulungan si Michael para buhatin ang kanyang dalang maleta.
Binati sila nito saka sila iginaya sa lobby ng hotel.
"This way to the information desk, Ma'am, Sir?" saad nito habang nakalahad ang kanan nitong kamay sa direksyon ng front desk.
"What can I do for you, sir?" tanong ng receptionist na nasa information desk nang lumapit du'n si Michael habang si Sandy naman ay nakatayo lamang sa tabi ng bellman.
"We booked a room here under my name Michael Villafuerte," aniya.
"Let me check it first, sir," sabi nito saka agad napatingin ang receptionist sa kanilang listahan ng mga naka-booked na at maya-maya lang ay nakita kaagad nito ang room number nila.
Matapos nitong sabihin ang room number ng kanilang kwarto at agad nitong ibinigay sa kanya ang key card ng kanilang room.
Napasunod naman kaagad sa kanya si Sandy nang nagpatiuna siya sa paglakad papuntang elevator para umakyat sa third floor ng hotel.
Hindi na niya hinintay pa na ang bellman pa ang magbukas ng elevator para sa kanila hanggang sa nakarating na nga sila sa kanilang room.
Muling napamangha si Sandy sa sobrang ganda ng kwarto habang abala naman si Michael sa pakikipag-usap sa bellman na naghatid sa kanila.
Napakalaki at well-arranged talaga ang nasa loob. Napatingin siya sa kama. Nag-iisa lamang ito kaya hindi niya maiwasan ang mag-isip ng kung ano-ano na siyang nagpakaba sa kanyang dibdib.
Matapos silang tulungan ng bellman ay agad naman itong umalis ayon na rin sa kagustuhan ni Michael.
Nang maisara na ni Michael ang pintuan ay agad na tumayo si Sandy para lumabas.
"I need another room," sabi nito pero bago pa man ito nakalabas ay mabilis niya itong pinigilan.