"Ano bang pinagsasabi mo?" kunot-noong tanong niya rito. "Bakit kasi ayaw mo na lang aaminin na hindi ka sa kompanya mo pupunta kundi makipagkita ka sa lalaki mo!" muli nitong singhal. Mabuti na lamang at naka-sound proof ang kanyang kwarto kaya hindi sila naririnig ng kanyang mga kanilang sa labas. Napaawang naman ang mga labi ni Sandy sa tinuran ng kanyang asawa. Talagang wala siyang alam sa mga pinagsasabi nito sa kanya ngayon. "Pwede ba, Michael huwag mo akong gawan ng istoryang wala namang katuturan?" "Walang katuturan?" tanong nito saka ito tumayo mula sa pagkakaupo nito sa gilid ng kama kasabay ng pagdampot nito sa kanyang phone na nasa ibabaw ng kama. Noon lang niya napansin ang kanyang phone na nasa ibabaw na pala ng kanyang kama. "Ano 'to?" tanong nito uli sabay pakita sa ka

