Kinakabahan si Sandy habang unti-unti niyang inilalapit ang kanyang mga labi sa pisngi ng kanyang asawa habang kilig na kilig naman si Marga habang pinagmamasdan ang dalawa. At nang halikan na sana ni Sandy sa pisngi si Michael ay siya namang ginawa nitong paglingon sa kanya dahilan para maglapat ang kanilang mga labi. Parehong nanlaki ang kanilang mga mata sa nangyari habang ang mag-asawa naman ay kapwa nakangiti. "B-bakit ka l-lumingon?" nauutal na tanong ni Sandy sa kanyang asawa sa mahinang boses. Hindi naman kaagad nakasagot si Michael dahil talagang nagulat din siya sa nangyari. Matapos lumapat ang mga labi ni Sandy sa kanyang mga labi ay saka lang niya nasabing he really missed her! Pasimple siyang napatitig sa mga labi nito at talagang gustong-gusto niya itong halikan uli.

