Nagpupuyos sa galit si Monique dahil sa kanyang mga narinig mula kay Michael. Masakit para sa kanya ang lahat pero mas nangingibabaw ang kanyang galit para kay Sandy. Kung hindi lang sana dumating si Sandy sa kanilang buhay, hindi sana magkakaganito ang relasyon na ilang taon na rin nilang iniingatan. Ngayon, mas lalong gugustuhin ni Monique ang paghigantihan si Sandy at agawin mula rito ang asawa nito. Alam niyang darating din sa tamang panahon na muling mapapaibig sa kanya ang dating nobyo kagaya ng pagmamahal nito sa kanya noon. Hindi na niya iisipin pa kung ano man ang mga posibleng magiging kapalit ng kanyang mga gagawin, ang mahalaga makuha lang niya ang kung ano man na noon pa ma'y pagmamay-ari na niya. "Where did you go?" salubong ni Monica sa kararating lang niyang anak n

