Tumigil siya sa harapan ng unit ni Michael at napatingin siya sa lock nito habang ang puso niya ay dinudurog ng katotohanan na ang passwords pala nu'n ay ang araw kung kailan naging sila ni Monique. "February 14, 2012. Valentine's day, the day we officially became a lovers." Naaalala niyang sabi sa kanya ni Monique kanina. "Naisip mo na ba kung ano ang connection ng araw na 'yon sa passwords ng unit ni Michael?" Muli pa niyang naalala. Masakit man sa kanyang kalooban ay hindi pa rin talaga niya maiiwasan ang maaalala ang lahat nang nu'n. "'Yong passwords ng unit niya at ang araw na naging kami ay iisa." Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang kanang kamay saka niya pinindot ang lock ng pintuan ng unit ni Michael sa passwords na alam niya. Naitakip niya ang kanyang palad sa kanyang

