"Michael?" tawag ni Sandy sa kanyang asawa at napatayo naman si Romnick para batiin ang asawa ng kanyang dating nobya. "Dude, you're here," sabi nito sabay lahad ng kamay sa harapan ng kararating pa lamang. Napatingin si Michael sa kamay ni Romnick na nakalahad sa kanyang harapan pero wala sa knayang isipan na tanggapin iyon dahil sa selos na kanina pa namamahay sa kanyang puso para rito. "Why are you here?" sarkastikong tanong nito kay Romnick na siyang ipinagtaka ni Sandy. "I have something to ask from your wife," kalmadong sagot nito. Saglit lang na tingin ang ibinigay ni Michael kay Romnick at si Sandy naman ang kanyang binalingan ng tingin. "Bakit mukhang gulat ka yata?" tanong niya dahil napansin talaga niya kanina pa ang pagkabigla sa mukha nito nang makita siya. Napamaang na

