"Pasensiya ka na kung agad akong umuwi noong nakaraang gabi. Nagkaproblema kasi ang isa sa mga naging pasyente ko at kailangan nila ako," paliwanag nito sa kanya nang ihatid na siya nito sa labas ng bahay ng mga ito.
After kasi ng dinner nila ay nagkaroon muna siya ng panandaliang pag-uusap kasama ang future father-in-law niya at pagkatapos ay nagpaalam na rin siyang umuwi na dahil kailangan pa niyang makapagpahinga ng maaga dahil may mga gawain pa siya sa kompanya bukas na kailangan niyang tapusin.
Hinalikan niya sa noo ang dalaga saka niya ito niyakap ng mahigpit.
"Okay lang 'yon. Naiintindihan ko," sabi niya habang yakap-yakap niya ang kanyang future wife. "Sige na pumasok ka na para makapagpahinga ka na," sabi niya saka siya kumalas mula sa pagkakayakap niya rito.
"Ingat ka sa pag-uwi," bilin pa nito.
Tumango muna siya bago na siya puansok sa sasakyan at agad na niya itong pinasibad paalis.
Pagdating niya sa condo unit niya ay napatingin muna siya sa unit na kaharap lang ng kanyang unit.
Nakasara na ito at tahimik na rin. Malamang natutulog na ang nakatira sa loob.
Napailing na lamang siya. Ano ba ang pakialam niya kung ano na ang ginagawa ng nakatira sa unit na 'yon.
"Hay, Michael, ano ba 'yang tinatakbo ng utak mo?" tanong niya sa sarili saka mabilis na niyang binuksan ang kanyang unit saka siya pumasok.
Matapos siyang magbihis ay agad na rin niyang ibinagsak ang kanyang sariling katawan sa ibabaw ng malambot niyang kama at muling nanariwa sa kanyang balintataw ang nangyari sa kanila ni Monique ng gabing 'yon.
Muntikan na niya itong maangkin kahit pa hindi pa sila nakakasal at kahit na nabitin siya ng mga sandaling 'yon ay nagpapasalamat na rin siya dahil hindi natuloy ang pagiging mapusok niya.
Mas maganda pa rin talaga kapag sa gabi na ng kasal nila niya maaangkin ang kanyang magiging asawa at habang sinasariwa niya ang eksenang 'yon ay natigilan na lamang siya nang biglang nagpop-up sa utak niya ang mukha ng kanyang kapitbahay.
Galit na napabalikwas siya ng bangon nang muling nanariwa sa kanyang ala-ala ang nangyari kanina sa resort.
"Forget about it, Michael. Nagmumukha ka nang makasalanan sa mga ginagawa mo," paaalala niya sa sarili saka sapilitang kalimutan ang lahat nang nangyari sa resort pati na ang mukha ng kanyang kapitbahay na naging wedding planner pa nila.
Kinabukasan ay maagang nagising si Sandy at sinadya talaga niyang umalis ng condo nang maaga para hindi niya makita ang lalaki sa kabilang unit.
Hanggang sa mga oras na 'yon ay nahihiya pa rin siya at awkward pa rin talaga para sa kanya ang lahat.
Paglabas niya ng kanyang condo unit ay napatingin siya saglit sa nakasarang pintuan ng unit ni Michael.
Mabuti na lamang at hindi pa ito lumalabas kaya minadali na niya ang kanyang kilos para pumasok na ng elevator.
"Good morning," salubong sa kanya ni Marah.
"Good morning din," sagot niya saka siya dumiretso sa kanyang opisina at napasunod naman sa kanya si Marah na kararating lang din nito, nauna lang siya ng konti.
"Kumusta ang lakad niyo kahapon?" tanong nito sa kanya habang inaayos niya ang kanyang sarili bago siya umupo sa kanyang swivel chair.
"Everything went well," sagot naman niya. "What about here? May balita ba?" tanong din niya rito habang ang kanyang mga mata ay nakatuon sa mga papeles na nasa harapan niya nakalatag.
"Here." Napatingin siya sa isang folder na inilapag ni Marah sa ibabaw ng kanyang mesa.
"What is this?"
"A new client," maagap naman nitong sagot. "Nandiyan na lahat ng mga kakailanganin natin to organise their wedding," dagdag pa nito.
Binuklat niya isa-isa ang pahina ng folder na 'yon. Ito talaga ang isa sa mga gusto niya kay Marah dahil hindi na kailangan panvmg utusan. Kusa na itong kikilos lalo na at alam na nito ang pasikot-sikot sa pagiging wedding planner.
"Thank you," sabi niya saka niya inilapag sa gilid ng kanyang mesa ang folder.
"Ang dami na ng kasal na inorganisa natin pero hanggang ngayon, wala pa rin ang kasal mo. Excited pa naman ako para du'n."
Napatingin siya rito na para bang sinasabi niyang tigilan na siya dahil baka kung ano pa ang kanyang magawa rito.
"Huwag ka namang magalit," sabi nito saka bahagyang lumayo sa kanyang mesa dahil mukhang nababasa na nito ang takbo ng kanyang isipan. "I'm just reminding you. Baka nakalimutan mong 27 ka na, three years na lang at lalampas ka na ng kalendaryo, oh."
Tiningnan niya ito nang masama kaya napatigil na rin ito.
"Lumabas ka na at baka mabato ko pa 'tong ballpen sa'yo," sabi niya sabay angat ng hawak niyang ballpen.
"Relax. Lalabas na ako," nakangisi pa nitong saad saka agad din namang lumabas.
Napasandal siya sa kanyang swevil chair at nahulog siya sa isang malalim na pag-iisip.
Kung siya lang din ang tatanungin, gusto na talaga niyang mag-asawa hindi dahil sa nagmamadali siya kundi dahil tumatanda na siya at gusto na rin niyang ma-settle down pero kung wala pang balak si Romnick para sa bagay na 'yon ay irerespito niya iyon. Basta ang mahalaga, mahal nila ang isa't-isa at pareho nilang alam na sila na talaga ang nakatakda para sa isa't-isa habang-buhay.
Days na lang ang hinihintay nina Monique at Michael para sa araw ng kanilang kasal at pareho na silang excited para du'n.
At bago pa man sumapit ang araw ng kasal ay muling nakipagkita si Sandy sa dalawa para ma-briefing nang maayos tungkol sa mangyayari sa kasal ng mga ito.
Very satisfied naman ang dalawa sa nagiging output ng pag-organize nila sa kasal ng mga ito. Ito naman talaga ang tanging pangarap nila, ang makitang satisfied ang kanilang kliyente sa kanilang services.
Nang sumapit ang araw ng kasal ay halos lahat ay naging excited habang pinaghahandaan ng oras ng kasal.
"Ang ganda ng anak ko," bulalas ni Monica habang nakatingin siya sa salamin na kaharap ng anak nitong si Monique.
"Mana po sa inyo," nakangiti namang saad ng anak.
Napasilip si Sandy sa mga ito habang inaayusan ng make-up artist na kinontra niya ang bride.
"Hi, Sandy," bati sa kanya ni Monique nang makita siyang nakasilip sa kaharap nitong salamin.
"Hi. I was just checking kung kumusta na kayo rito," sabi niya.
"Well, we're fine. Ang galing ng mga make-up artist na kinuntak mo." Ang ina na ni Monique ang sumagot.
"Mabuti naman at nagustuhan niyo. Actually, magaling talaga silang artist, madam kaya makakaasa talaga kayo sa kanila.
Matapos niyang i-check ang mg ito ay pinuntahan naman niya ang mga groom's men kung saan inaayusan din ng mga ito ng make-up artists.
Napahinto siya nang saglit nang biglang tumunog ang kanyang phone at napangiti na lamang siya nang makita niya ang pangalan ng kanyang nobyo. Si Romnick!
"Hi," nakangiti niyang bati rito
"Kumusta ka na diyan? Pasensiya na ngayon lang ako nakatawag sa'yo, masyadong busy talaga dito sa barko."
"Ano ka ba, okay lang noh. Okay lang ako rito. Ikaw diyan? Kumust naman?"
"Okay lang din. Malapit na ako makababa," masigla nitong balita sa kanya.
Sasagot na sana siya nang biglang naagaw ang kanyang atensiyon ng mula sa room kung saan inaayusan ang mga groom's men ay lumabas si Michael.
Gwapong-gwapo ito sa suot nitong dark blue sport jacket na pinailaliman nito ng isang white dress shirt. Naka-dark blue na rin ang suot nitong trouser na tinernuhan nito ng derby shoes.
Ang mas nakakapanibago rito ay ang short blowout with tapered sides hairstyle. Mas bumagay dito ang ganu'ng hairstyle kaya mas lalo itong kahanga-hanga.
"Sweetie?"
"Huh?!" Parang nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog si Sandy nang marinig niya mula sa kabilang linya ang boses ng kanyang boyfriend.
Napatingin siya kay Michael at nakita niya itong lumiko sa direksyon ng comfort room. Hindi siya nito nakita dahil hindi naman ito lumilingon pa.
"Is there something wrong?" nag-aalala nitong tanong.
"Huh? W-wala naman. Pasensiya na, medyo na-busy lang ng konti," pagsisinungaling niya.
"I'll call you later, okay?"
"O-okay."
Nang maibaba na niya ang phone ay saka lang siya nakahinga ng malalim.
"Ano bang nangyayari sa'yo, Sandy? Umayos ka nga," usal niya sa kanyang sarili saka siya pumunta sa venue ng wedding ceremony.
Everything is already okay. Prepared na ang lahat hanggang sa dumating na nga ang oras na pinakahihintay ng lahat lalo na ng ikakasal.
Napatingin siya kay Michael nan makita niya itong nakatayo na sa tabi ng kanyang bestman.
Kitang-kita sa mga mata ni Michael ang galak nito.
"Asan na ang bride?" tanong ng ibang nandu'n nang hanggang sa mga oras na 'yon ay hindi pa rin dumarating si Monique.
Napatingin na rin si Sandy sa paligid at napansin niya na pati ang mga magulang ng bride ay wala pa rin du'n.
Agad na pinuntahan ni Sandy ang bride kung saan ito inayusan at sa kanyang pagdating ay siya namang paghubad ni Monique sa suot nitong wedding gown.
"What are you doing?" kunot-noong tanong ni Sandy dito.
Natigilan naman si Monique nang makita siya nito.
"I need to go," umiiyak nitong sagot.
"What?! Where?" naguguluhan niyang tanong dito.
"In Davao."
"What?!" gulat niyang tanong, "...but why?" muli pa niyang tanong.
"My grandmother had a heart attacked and I need to see her."
Nagsilandasan ang mga luha nito nang sabihin nito ang mga katagang 'yon.
Ramdam niya ang labis na pagmamahal nito sa sariling Lola.
"But what about your wedding?"
"I don't know what should I do," humihikbi na nitong sagot.
Kahit sino naman siguro ay maguguluhan din kung ano nga ba ang dapat gawin.
Napatingin siya sa kanyang kamay nang bigla itong hinawakan ni Monique.
"Do me a favor, please."
"What is it?"
"I really love Michael and I can't afford to see him in pain. He's been waiting for this moment in his life for too long tapos ngayong nandito na 'to, ayaw kong muli siyang mabigo."
Muling nagkasalubong ang kanyang mga kilay sa pahayag ni Monique. Kahit wala pa itong sinasabi ay ramdam niyang may ipapagawa ito sa kanya na hindi niya alam kung magagawa ba niya.
"What do you want me to do?"
"Be his bride!"