"Okay na ako," sabi niya saka mabilis siyang napatayo at dumistansiya rito dahil ang puso niya ay kumakabog ng kakaiba at hindi niya maintindihan.
Tumalikod siya upang hindi mahalata ni Sandy ang panandaliang pagkabalisa niya tapos ay dahan-dahan na dinama niya ang kanyang dibdib.
Napakalakas at napakabilis ng pagtibok nito. Hindi siya ganito everytime na magkadikit ang kanilang mga balat ni Monique.
Naisip din niya na baka nasanay lamang siya sa kanyang fiancee kaya hindi na niya nararamdaman ang damdamin na bigla na lamang sumibol sa kanyang puso nang dahil sa ginawa sa kanya ng kanilang wedding planner.
"Psst! Tumigil ka," pabulong niyang saway sa kanyang puso.
"Heto na ang ginawa kong pagkain," saad ni Manang Silva nang bumalik na ito sa kanilang kinalalagyan.
"Hijo, halika muna. Kumain ka," aya sa kanya ni Manang kaya napilitan na rin siyang pumihit paharap sa mga ito.
Lumapit siya sa mga ito at pasimpleng napatingin siya kay Sandy na inaayos naman nito ang first aid kit.
"Matagal na kayo ni Romnick, wala pa ba kayong balak magpakasal?" tanong ni Manang Silva sa dalaga habang nilalantakan naman nila ang pagkain na gawa nito habang si Michael naman ay tahimik lang na nakikinig.
"Hinihintay ko lang po ang desisyon niya. Ayaw ko namang madaliin siya dahil mahirap ang kanyang trabaho."
"Sabagay, hindi naman paligsahan ang pag-aasawa, eh," lintanya naman ni Manang Silva.
"Ate, hindi ka ba natatakot?" singit ng dalagitang si Faye.
"Natatakot saan?" kunot-noong tanong ni Sandy.
"Hindi ba, ang sabi nila, kapag seaman, manloloko raw 'yon."
"Faye!" agad na saway ni Manang Silva sa kanyang apo. "Umalis ka nga dito. Ke-bata-bata mo pa, ganyan ka na magsasalita," panenermon ni Manang.
Napasulyap si Michael sa dalaga at nakita niya ang bahagya nitong pagkatigagal. Ramdam niya na may pangamba na rin itong nadarama.
"Pasensiyaham mo na ang batang 'yon, Sandy. Epekto 'yon sa kakapanood niya ng mga kdrama tapos sa kakabasa niya ng mga novel sa dreame tapos gumagastos pa para lang mabasa niya ang isang buonh novel. Ang batang talagang 'yon."
"Okay lang po 'yon, Manang. Isa pa, may tiwala naman ako kay Romnick. Alam kong hindi niya gagawin 'yon."
Napatingin si Sandy kay Michael at nang makita niyang kasalukuyan pala itong nakatingin sa kanya ay agad siyang nag-iwas ng tingin.
Matapos nilang kumain ay nagpasya ang dalaga na dalhin si Michael sa magiging venue nila after sa wedding ceremony.
Ipinakita niya rito ang mga napagpasyahan ng grupo na magiging layout ng place, pati na ang mga decorations nito. Kay Monique sana niya ipapakita ng mga bagay na 'yon pero dahil wala ang fiancee nito, dito na lamang niya ipapakita ang magiging venue ng mga ito total nandito na sila para naman hindi na sila pabalik-balik pa.
"About sa honeymoon niyo. We already book a flight going to Spain and we already done preparing everything you need including the hotel na tutuluyan niyo while you're staying there for a week. Lahat na ay naka-settled na," pahayag ni Sandy habang si Michael naman ay abala sa pagtingin sa listahan na dala ng dalaga para sa mga dadalo.
"Any add-ons?" tanong ng dalaga sa kanya.
"I'm okay with it," maagap namang sagot ni Michael.
Marami pa silang napag-usapan at may mga bagay din namang idinagdag si Michael at tinanggap naman iyon ng dalaga kapag alam niyang hindi naman makakasama sa plano nila.
Nag-aagaw na ang dilim nang natapos nilang usisain ang mga bagay na dapat matapos nila sa araw ding 'yon kaya agad na rin silang umuwi.
Habang nasa gitna sila ng kanilang pagba-biyahe pauwi ay biglang tumunog ang phone ni Michael.
"Yes, honey?" sagot nito sa tumawag na fiancee.
Napatingin na lamang si Sandy sa labas ng sasakyan at pilit na huwag makinig sa usapan ng mga ito.
"Pauwi na kami. Katatapos lang din naming masiguro na okay na ang lahat," saad nito.
Napatingin si Michael sa direksyon ni Sandy at nakita niya itong nakatingin sa labas ng sasakyan. Nakaupo kasi ito sa tabi niya.
"Okay. Bye. Ingat ka pag-uwi mo," bilin pa niya bago niya in-end ang tawag nito.
Muli niyang sinulyapan ang dalaga pero nanatili lang itong nakatingin sa labas ng sasakyan kaya hinayaan na lamang niya ito.
Nang nakarating na sila sa condominium ay agad niyang ipinarada ang sasakyan.
Nang linungin niya si Sandy ay siya namang paglumungayngay ng ulo nito. Nakatulog pala ito habang nasa biyahe sila dahil nga siguro sa pagod na nararamdaman nito sa pagiging busy sa buong maghapon.
Napatingin siya sa mukha ng dalaga at nakita niya kung gaano ito kasimple sa mga ipinapakita nitong kilos. Hindi ito maarte pagdating sa pagkain at hindi rin ito sosyelera kung kumilos.
Ilang araw na niya itong nakakasama pero hindi talaga niya ito nakitang nagsuot ng mamahaling damit. Lagi lang itong naka-jeans at naka-t-shirt at palaging naka-ponytail ang buhok nito na tuwid naman at may kahabaan.
May suot-suot din itong glasses na hindi niya alam kung reading glasses ba 'yon o pang-design lang sa mukha nito.
May suot naman itong wristwatch pero tantiya niya, hindi 'yon kamahalan tapos kilala naman niya ang brand ng watch na 'yon kaya alam na alam kung ano ang price nito.
May suot din itong necklace pero hindi naman gold, simpeng necklace lang na pwedeng mabili sa tabi-tabi.
Kung ikukumpara niya sina Monique at Sandy, ang layo talaga ng dalawa sa isa't-isa. Picky-eater si Monique tapos mahilig din ito sa mga luho sa katawan. Kahit na hindi ganu'n kayaman ang pamilya ng kanyang fiancee ay sunod naman ito sa gusto kaya ganu'n na lamang ito sa sarili nitong katawan. Ang tanging ugali lamang ni Monique na hindi niya mapapalitan ay ang kabaitan nitong taglay. Handang magsakripisyo para sa mga mahal sa buhay.
Lalo siyang napatitig dito nang maaalala niya ang ginawa nitong paggamot sa kanyang sugat kanina. Naaalala pa niya kung papaano siya natigilan dahil sa ginawa nitong paghipan sa kanyang sugat.
Muli na naman niyang nararamdaman ang kakaibang pagtibok ng kanyang puso. Ang t***k na kagaya nang nararamdaman niya kanina.
Agad siyang nag-iwas ng tingin nang bigla itong gumalaw kasabay nang pagmulat ng mga mata nito.
Napatingin uli ito sa labas ng sasakyan saka ito napalingon sa kanya.
"Sorry, nakatulog ako," hinging paumanhin nito.
"It's okay. Mauna ka na, may pupuntahan pa ako."
"Thank you sa paghatid," sabi naman ni Sandy saka agad niyang tinanggal ang seatbelt niya pero nahihirapan siya, hindi dahil hindi siya marunong kundi dahil talagang nagkaproblema nga ito.
"It's stuck," baling ni Sandy sa kanyang katabi.
To the rescue naman si Michael. Tinanggal ng binata ang sarili niyang seatbelt para makalapit siya ng konti kay Sandy at nang natanggal na niya ang kanyang seatbelt ay bahagya niyang iniangat ang kanyang katawan at inilapit niya iyon kay Sandy.
"What happened to it?" tanong pa niya habang pinipilit niyang matanggal ang seatbelt ng dalaga habang si Sandy naman ay nanatiling nakatingin lamang at nang sinubukan nitong tumulong ay hindi sinasadyang magkadaop ang kanyang mga palad habang pareho silang nakahawak sa seatbelt.
Agad na nag-angat ng mukha si Michael at ganu'n na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Sandy nang muntikan nang magbunggo ang kanilang mga mukha sa sobrang lapit at halos one inch na lamang at magkakadikit na ang kanilang mga ilong.
Kumabog pareho ang kanilang mga puso sa hindi nila alam na dahilan. Nagkatitigan sila at parehong nag-uusap ang kanilang mga mata.
Halos hindi na nila naririnig ang pag-ugong ng sasakyan dahil sa sobrang lakas ng pagkabog ng kanilang dibdib.
Ramdam na ramdam din nila pareho ang maiinit na hininga ng bawat isa na siyang lalong nagpapagulo sa kanilang mga puso.
Napadako ang mga mata ni Michael sa mga labi ng dalaga. Ewan ba pero para siyang inaakit ng mga labi nito. Para siyang inaanyayahan nito.
Muli siyang napatingin sa mga mata ng dalaga at nakikita niya du'n ang pagiging inosente nito.
Pareho silang napapiksi nang marinig nila ang pag-click ng seatbelt na nagsasabing natanggal na nila ito.
Sabay pa silang napatingin sa ibaba at nang makita nila ang kanilang mga kamay na magkadantay ay mabilis na kinuha ni Sandy ang kanyang kamay at agad siyang nag-iwas ng tingin habang si Michael naman ay agad na bumalik sa kinauupuan nito at pasimpleng nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.
"L-lalabas n-a a-ako," pagatul-gatol na saad ni Sandy saka mabilis na lumabas na ito ng sasakyan at patakbong pumasok ng condominium.
Nang makita ni Michael ang naging reaksiyon ni Sandy ay hindi niya napigilan ang sariling mapangiti na lamang bigla.
Hindi kasi niya aakalain na sa ganitong edad ni Sandy ay magkakaroon pa ito ng ganu'ng reaksiyon na parang bata.
Natigilan naman siya nang hindi sinasadyang napatingin siya sa rear-view mirror at nakita niya du'n ang kanyang sarili na kaylapad ng ngiti sa mga labi.
Dahan-dahan na nawala ang ngiting 'yon saka siya napailing na para bang nagtataka kung bakit siya napangiti ng ganu'n kalaki.
Napailing na lamang siya saka mabilis na pinatakbo niya ang kanyang sasakyan papunta sa bahay nina Monique para sa family dinner na gagawin nila.
"Hi," salubong sa kanya ng kanyang fiancee sabay halik sa kanyang mga labi.
"Late na ba ako?" tanong niya rito.
"Nope. You've just came on time," nakangiti nitong sagot sa kanya saka na siya nito sinabayan sa pagpasok sa bahay nito.
"Good evening, Tita," bati kaagad niya sa kanyang mga future mother-in-law saka hinalikan niya ito pisngi.
"Good evening, too," nakangiting tugon ng ina ni Monique na si Monica. "It's good to have you here tonight," sabi pa nito at napangiti naman siya.
"Good evening, Tito," baling naman niya sa future father-in-law niya saka siya nagmano.
Napangiti lamang ito at ramdam niya na natutuwa ito nang makita siya.
"Have a seat," aya sa kanya ni Jerome, ang ama ng kanyang fiancee na agad naman niyang sinunod.
Close na siya sa mga ito at halos naging bahay na rin niya ang bahay ng mga ito kaya nasabi rin niya sa sariling napakaswerte niya at si Monique ang kanyang mapapangasawa dahil maliban sa maganda na ito, may mabait pa itong pamilya.