Chapter 3

1647 Words
In-interview niya muna ang couple pati na ang pamilya ng mga ito kung magkano ba ang magiging budget para sa kasal pagkatapos ay sinunod na niyang ginawa ang mga bagay na dapat niyang gawin gaya ng paghanap ng magandang location kung saan gaganapin ang seremonya ng kasal at nang nakapagdesisyon na ang grupo nila ay agad naman niyang isinangguni iyon kina Monique at Michael na agad naman nagustuhan ng dalawa. Pinagplanuhan na rin ng grupo ng maayos ang design at style ng event. Lahat ng nakapagdesisyonan nila ay hinihingi muna nila ang opinion ng ikakasal kung ano ang masasabi ng mga ito at baka may gusto pang idagdag ang mga ito. Kinuha na rin niya ang listahan ng mga magiging bisita ng mga ito. Kumuntak na rin siya ng mga professional na photographer at videographer pati na ang beauticians. May mga kinuntrata na rin silang magbibigay ng maayos at magandang buffet para sa lahat ng dadalo sa kasal lalo na ang ikakasal. Kumuha na rin sila ng magaling na electrician para kung magka-aberya man sa kanilang gagamiting kagamitan ay may matatawag kaagad sila para tumingin dito. Sa loob ng dalawang buwan ng preparation ay talagang abalang-abala si Sandy to the extent na dinadala na nito sa condo ang kanyang trabaho at minsan ay da kompanya na siya natutulog. Kahit na gaano man ka-busy si Monique sa trabaho nito bilang doktor ay talagang naglalaan ito ng oras para makipagkita sa kanya upang matingnan ang improvement ng gagawing event. Kung hindi naman ito makakapunta ay si Michael naman ang kanyang kasama. "So, anong tingin mo sa pagkain? Okay lang ba? O baka may gusto kang idagdag?" tanong ni Sandy kay Michael habang tinitingnan nito ang gawa nilang lists ng mga pagkain. "Well, it's okay. I don't have any problem with it," sagot naman nito. "Pansin ko lang, parang wala yatang masyadong seafoods?" puna nito. "We tried to minimize it for the safety na rin ng mga dadalo sa kasal niyo. Who knows, may mga allergy pala sa seafoods so we focus to others menu para naman magiging smooth ang lahat," paliwanag naman niya na at sang-ayon naman du'n ang binata. Pagkatapos nilang pag-usapan ang tungkol sa pagkain ay sakay sa sasakyan ni Michael ay dinala niya ito sa napag-usapan ng grupo na magiging location ng kasal nito. Sa isang resort. Sa tabi ng isang dagat gaganapin ang kasal ng mga ito. Napakaganda ng resort na pinuntahan nila. Tahimik at sariwang-sariwa ang hangin. Mapuputi ang buhangin nito tapos asul na asul din ang tubig. "Actually, we already asked Monique's notion about this beach to be the wedding place. Ipinakita namin sa kanya ito sa picture and she said it's awesome. Pero sabi niya, we need to ask your opinion too about this. So, what do you need think of it?" baling ni Sandy sa kanyang kasama na abala sa kakatingin sa paligid. "The place is not important at all during the wedding. Ang mahalaga ay ang bawat puso ng ikakasal," sagot nito saka nagpatiuna itong maglakad na sinundan naman niya. "Nang sabihin kasi ni Monique sa amin na gusto niya ng beach wedding, ito kaagad ang naisip ko. Maganda kasi rito tapos very accommodating pa ang mga staffs ng resort. Konting ayos lang ang gagawin dito, for sure, napaka-romantic na ng lugar na 'to after that," litanya niya habang naglalakad sila. "It's okay. I like the weather here. So peaceful!" pahayag nito kasanud naman nu'n ay ang pagdipa nito ng dalawa nitong braso saka ito bahagyang napatingala at pumikit. "The air is so refreshing," saad pa nito habang nakapikit ang mga mata at nilalamyos ang malamig na simoy ng hangin. Hindi napigilan ni Sandy ang pagmasdan ng maigi ang mukha ng kanyang kasama. Gwapo nga talaga ito lalo na sa malapitan. Medyo cold kung titingnan sa panlabas nitong anyo pero very warmth naman pala ito kasama. "Makakadisgrasya kayo!" sigaw ng isang babae na siyang nagpamulat kay Michael at sabay pa silang dalawa ni Sandy  napatingin sa direksyon kung saan nagmumula ang sigaw ng isang babae at ganu'n na lamang ang panlalaki ng kanilang mga mata nang makita nila ang tatlong batang lalaki na naghahabulan habang nakasakay ang mga ito sa kanya-kanyang bisikletang dala. Papunta ito sa kanilang direksyon at talagang si Sandy ang mabunungo ng mga ito at huli na para umilag pa ang dalaga dahil sa bilis ng pagtakbo ng mga ito pero bago pa man siya nabunggo ng mga ito ay may dalawang malalaki at malalakas na kamay ang bigla na lamang humapit sa kanya sa kanyang beywang saka siya mabilis na inilayo sa mga ito. Si Michael! Kinalabit siya nito na siya namang dahilan para ma-out balance ito at pareho silang bumagsak sa buhangin. Bumagsak rin ang isa mga tatlong mga batang lalaki nang bahagyang tumama ang bisikleta nito sa braso ni Michael nang hinapit nito si Sandy para ilayo sa mga ito. Parehong napangiwi ang dalawa sa sakit na nararamdaman dahil sa kanilang pagkabagsak sa buhangin. Agad namang napahinto ang dalawa pang mga batang lalaki at agad ng mga ito sinakluluhan ang kasama ng mga ito at ang ale na sumigaw kanina ay sobrang nag-aalalang napatakbo palapit sa kanila at agad silang tinulungan. Napatingin si Sandy sa binatang nagligtas sa kanya at nakita niya ang pagngiwi nito sa sakit na nadarama napatingin siya sa braso nito habang hawak-hawak nito at du'n na niya napansin na nagkasugat pala ito. "Oh, my! Okay ka lang?" nag-aalala niyang tanong dito sabay hinawakan niya ito sa magkabila nitong balikat para pabangunin. "Pasensiya na talaga kayo," sabi naman ng babae habang tinutulungan sila nito, "Kayo talagang mga bata kayo! Bumalik na kayo du'n!" pagalit na baling nito sa tatlong mga bata at para namang maaamong mga tupa ang mga ito na sumunod sa sinabi ng babae. "Okay ka lang?" muling tanong ni Sandy kay Michael nang nakatayo na ito. "Okay lang ako," sagot naman nito kaagad saka nito saka nito tiningnan ang sariling braso na tinamaan ng bisikleta at nadaganan pa ni Sandy kanina nang bumagsak sila. "Manang, may gamot po ba kayo du'n?" tanong ni Sandy sa babae. "Oo, halikayo," aya nito sa kanila. Inalalayan niya si Michel para pumunta sa resthouse kung saan pumunta ang babae. "Heto," sabi nito sabay abot ng first aid kit kay Sandy, "Pasensiya na talaga kayo, Sandy. Ngayon lang kasi nakabalik dito ang mga batang 'yon kaya medyo makulit. Masyado na talaga nilang namiss ang dagat," pahayag nito sa kanya habang inihahanda na niya ang paggamot niya sa sugat ni Michael. Maliit lang ang sugat nito pero dahil may kinalaman siya du'n ay hindi pa rin talaga niya maiwasang ma-guilty sa nangyari. "Naiintindihan ko po 'yon, Manang Silva," saad naman ng dalaga. "Sorry talaga, hijo. Pasensiya ka na sa mga apo ko," baling naman nito kay Michael. "Wala po'ng anuman po. Maliit lang naman na sugat 'to," nakangiting sagot ni Michael. "So, paano? Iiwan ko muna kayo. Kukuha lang ako ng makakain natin," paalam nito sa kanila. "Okay po," tugon naman ni Sandy at agad naman silang iniwan ni Manang Silva. "Halika," sabi ng dalaga sabay hawak sa braso ni Michael at bahagya niya itong hinila palapit sa isang sofa saka niya ito pinaupo. Nang akma na sana niyang gagamutin ang sugat nito ay agad naman siya nitong pinigilan. "Let me do this alone," anito pero hindi siya pumayag. "Hayaan mo akong gawin 'to para naman maibalik ko 'yong ginawa mong pagligtas sa akin," aniya pero nanatiling matigas naman ang binata. "Maliit lang na sugat 'to. Isa pa, malayo 'to sa bituka. Hindi ko 'to ikakamatay," giit pa nito pero tiningnan na lamang niya ito nang masama na para bang isang ina na nagagalit sa isang anak. "Gusto ko lang naman gumanti. Wala naman sigurong masama du'n, di ba?" Michael clean his throat saka siya napatango bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. Hindi na siya kumuntra pa dahil alam niyang wala pa rin siyang magagawa dahil sa tingin niya, mukhang mapilit talaga ang babaeng 'to. Wala naman sigurong masama kung gagamutin nito ang kanyang sugat at wala naman sigurong masamang kahulugan iyon sa mga mata ng ibang tao. "Kilala mo sila?" tanong ni Michael sa dalaga habang nagsisimula na itong gamutin ang sugat niya. "Actually, 'yong anak niya na nagmamay-ari ng resort na 'to ay kaibigan ng boyfriend ko." Napatingin nang maigi si Michael sa dalaga nang sabihin nito na may nobyo na pala ito. "So, you already have a boyfriend?" paniniguro niya rito. "Hmmm," sagot nito habang nakatuon ang pansin nito sa kanyang sugat. Bakit ba parang may ilang bahagi ng kanyang pagkatao ang medyo nadismaya nang malamang may nobyo na ito? Bahagya na lamang siyang napailing upang maiwaglit sa kanyang isipan ang ganu'ng damdamin. "Aray!" hiyaw niya nang bigla ba namang naidiin ni Sandy nang hindi sinasadya ang hawak nitong cotton sa kanyang sugat. "Sorry. Sorry, hindi ko sinasadya." Muli siyang napatitig sa maamong mukha ng dalaga nang makita nito ang pag-aalala nang napahiyaw siy sa sakit. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla na lamang siya nakaramdam ng kakaibang damdamin para rito nang makita niya itong sobra na nag-aalala sa kanya. Napatitig siya sa mga labi nito nang walang ano-ano'y hinipan nito ang kanyang sugat. Pakiramdam niya, tumigil sa pag-ikot ang kanyang mundo nang maramdaman niya ang mainit na hanging nagmumula sa bibig nito na tumatama sa kanyang sugat. Biglang gumulo ang pagtibok ng kanyang dibdib habang pinagmamasdan niya ang dalaga sa ginagawa nito sa kanya ngayon. This is his first time na may gumawa sa kanya ng ganu'n. Madalas kasi siya ang gumagawa nu'n kay Monique kapag nasusugatan ito kaya nakakapanibago talaga sa kanyang pakiramdam if there's someone who is willing to do this to him kahit na hindi naman siya nito kaano-ano. Mabilis na binawi niya ang kanyang braso na ginagamot ni Sandy na siya namang labis nitong ikinataka bago pa man siya tuluyang malunod sa kanyang kakaibang nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD