Chapter 2

1640 Words
"So, you're living here," anito na agad naman niyang tinugunan. "Yeah," maikli niyang sagot at napatingin siya sa lalaking kasama nito at hindi niya naiwasang mapatingin sa kamay ni Monique na nakapulupot sa braso ng lalaking kasama nito. Hula niya, ito na siguro 'yong lalaking pakakasalan nito. Ito na siguro ang maswerteng lalaki na magmamay-ari sa puso nito habang-buhay. "Ah, by the way. This is my fiance, Michael Villafuerte," pagpapakilala nito sa kanya, "Honey, this is Sandy Sarmiento. Our wedding planner!" excited pang balita nito. "Oh, hi. Nice to meet you, Sandy." Nang marinig na ni Sandy ang boses ng lalaking nasa harapan niya nang bigkasin nito ang kanyang pangalan ay bahagya siyang natigagal habang nakatingin sa gwapo nitong mukha. Pero bago pa man siya mahalatang natigagal ay palihim na sinuway niya ang kanyang sarili. "Hi, nice to meet you, too," sagot niya saka agad niyang tinanggap ang kamay nito na kanina pa nakalahad sa kanyang harapan. May kung anong damdamin ang bigla na lamang sumibol sa kanyang puso nang maramdaman niya ang bahagya nitong pagpisil sa kanyang palad. Agad naman niyang binawi iyon dahil sa hindi niya maintindihang kadahilanan ay bigla na lamang tumibok ang kanyang puso nang mabilis. "I never thought na magkapitbahay pala kayo, honey," may paglalambing na saad ni Monique. Bahagya namang napaangat ang kilay ni Sandy sa kanyang narinig. Maging siya ay hindi rin inakala na kapitbahay pala niya ang isa sa magiging kliyente niya. "So, you are the one who's living there?" hindi makapaniwalang tanong ni Sandy sabay turo sa unit na kaharap lamang ng kanyang unit. "You didn't know?" taka ring tanong ni Monique sa kanilang dalawa at halos na magkasabay silang umiling. "Maaga kasi akong pumapasok sa kompanya at gabi na kung umuwi kaya ganu'n na rin siguro ang dahilan kung bakit hindi kami magkatagpo-tagpo," paliwanag ni Michael nang nasa loob na sila ng unit nito. "Oh, I see," saad naman ng dalaga. Napapiksi na lamang si Monique nang bigla siyang hinapit ni Michael sa kanyang beywang. "Do you know how much I missed you?" pabulong nitong saad. Ilang araw din kasi siyang nawala dahil sa isinagawang medical mission sa isang lugar kung saan malayo na sa komunidad at halos hindi na nabibigyan ng sapat na atensyong pang-medical. "Araw-araw naman tayong nag-uusap, ah!" sagot naman niya. "Pero iba talaga 'yong nayayakap kita kagaya ngayon." Pinihit siya nito paharap dito at nang nakaharap na siya rito ay walang babalang inangkin nito ang kanyang mga labi na buong puso naman niyang tinugunan habang dahan-dahan na ipinulupot niya ang kanyang dalawang braso sa batok nito. Mula sa simpleng halik na iginagawad sa kanya ni Michael ay mas naging marubtob ito hanggang sa tuluyang naging mapusok. Bigla siya nitong ipinaupo sa sandalan ng sofa habang walang tigil na inaangkin ang kanyang mga labi habang ang mga kamay naman ni Michael ay tuluyan nang naging malikot. Mabilis siya nitong binuhat at dahan-dahan na ibinaba sa ibabaw ng malambot nitong kama. Napangiti ito habang bahagyang nakadagan sa kanya. "I want you right now," sabi nito na para bang nagpapaalam pa. Malapit na silang ikasal kaya hindi naman siguro masama kung ibibigay na niya ang kanyang sarili rito, total in the end magiging asawa naman niya ito. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi saka mabilis na muli niyang ipinulupot ang kanyang mga braso sa batok nito sabay angkin sa mga labi nito. Kung may katinuan pang naiwan sa buong pagkatao ni Michael ay tuluyan na iyong nawala dahil sa ginawa ni Monique. He kissed her deeply. He tasted her lips all over again. Nagsimula na namang naging malikot ang kanyang mga kamay at natagpuan na lamang niya itong nasa loob na ng damit ng kanyang fiancee. Wala na siyang pakialam kung ano na ang mangyayari sa kanila ngayong gabi. Ang mahalaga sa kanya, mahal niya ito at mahal din siya nito. Hinila niya paupo sa ibabaw ng kama si Monique saka niya dahan- dahan na hinuhubad ang damit nito at ganu'n na rin si Monique sa kanya. Tumilapon sa sahig ang kanyang suot na polo nang matagumpay na nahubad iyon ni Monique at ang sumunod na tumilapon sa sahig ay ang damit na ng dalaga at muli niya itong inihiga sa kama at walang pakundangan na muling siniil ang mga labi nito. Napaigtad na lamang si Monique nang maramdaman niya ang kamay ni Michael sa kanyang hita at nang akma na sanang itaas ng binata ang suot niyang mini-skirt ay biglang tumunog ang kanyang phone. Babangon na sana siya para sagutin ang kanyang caller pero mabilisan naman siyang pinigilan ni Michael. Muli siya nitong inihiga sabay angkin sa kanyang mga labi. Hindi na napipigilan ni Monique ang hindi madadala sa bawat sensasyon na ibinibigay sa kanya ngayon ni Michael, hindi na niya napigilan pa ang sariling mapapaungol dahil sa init na hatid ng bawat halik at haplos ng binata sa kanya. Gusto na niyang kalimutan ang lahat at ibigay lahat kay Michael pero sadyang napakakulit ng tumatawag sa kanya kaya wala na siyang nagawa pa kundi agad na pigilan si Michael sa pagiging mapusok nito ng mga oras na 'yon. "Please, let me answer the call first," aniya saka agad siyang bumangon bago pa man nakapag-react ang kanyang fiance. Napahiga naman si Michael sa kama na dismayado at para bang nararamdaman na naman niya 'yong feeling na kailanman, hindi siya magiging priority ni Monique. Nang nakababa na si Monique sa kama ay hinagilap niya ang kanyang damit na tumilapon sa sahig at saka niya ito isinuot at hindi man lang niya nagawa pang tapunan ng tingin ang nabitin niyang fiance. "Yes?" Narinig ni Michael na sabi ni Monique sa caller nito. "What?!" Agad siyang napabangon mula sa kanyang pagkakahiga sa kama nang marinig niya ang boses ng kanyang girlfriend na sobrang nabigla sa kung ano man ang balitang natanggap nito mula sa caller nito. "Honey, I need to go home!" pasigaw nitong sabi. Dali-dali siyang lumabas ng kwarto para alamin kung anong nangyari at kung ano ang balita kaya ganu'n na lamang ang pagtataranta nito pero sa kanyang paglabas ng kwarto ay siya namang pagsara ng pintuan ng kanyang condo unit. Nang silipin niya ito sa labas ay wala na ito. Kaya nadidismaya siyang napaupo sa kanyang sofa pero maya-maya lang ay kumuha siya ng ilang alak sa refrigerator niya saka siya uminom. Magmula pa noon, he never felt that he is on her list of priorities of her life. Kaya minsan ay nakakaramdam siya ng pagtatampo. Ang iniisip niya ngayon ay kung papaano na lamang kung ganito pa rin ang kanyang nobya sa kanya kapag mag-asawa na sila? Wala siyang ibang magagawa kundi ang tanggapin na lamang ang katotohanang 'yon dahil mahal niya ito at hindi niya ito kayang mawala pa. Maagang nagising si Sandy kinabukasan dahil kailangan din niyang maging maaga sa kompanya niya lalo na at dumarami ang kanyang mga kliyente. Nang palabas na siya ay siya namang pagbukas ng pintuan na kaharap ng kanyang unit at iniluwa iyon ni Michael. "Hi," nakangiti niyang bati rito. "Hi," maagap din nitong sagot. "Papasok ka sa trabaho?" pahabol nitong tanong sa kanya. "Oo, kailangan kong maging maaga ngayon dahil may kliyente ako mamayang 7:00," paliwanag niya pero bigla na lamang siyang natahimik nang ma-realize niya kung ano nga ba ang mga pinagsasabi niya. "Sorry, masyado na ba akong madaldal?" nahihiya niyang tanong. May kung anong kiliti ang bigla na lamang niyang nadarama nang makita niyang napangiti si Michael dahil sa kanyang tanong. "No, it's okay. Being talkative is not a sin anyway," saad naman nito saka nito inihalad ang palad nito sa direksyon ng kabubukas lang na elevator na para bang sinasabi nito na pinauuna siya sa pagpasok ng elevator. "Thank you," aniya. "Gentleman din pala ang lalaking 'to," bulong ng kanyang isipan nang nagpatiuna na siya sa pagpasok. Pumasok din naman kaagad ito at pareho silang tahimik nang sumara na ang elevator. Gusto niyang makipag-usap dito pero inuuhan naman siya ng takot na baka deadma lang siya rito o baka bibigyan nito ng masamang kahulugan kaya mas minabuti na lamang niyang manahimik hanggang sa bumukas na ang elevator sa ground floor. Pinauna siya ni Michael sa paglabas ng elevator. "Yes, honey?" Pasimple siyang napalingon dito nang marinig niya itong nagsalita saka lang niya napagtantong may kausap pala ito sa phone. Malamang si Monique iyon. Sinenyasan na lamang niya ito na mauuna na siya at agad naman itong tumango. Nang matapos makipag-usap ni Michael kay Monique ay agad naman niyang ibinaba ang kanyang phone. Humingi ito ng sorry kung bakit agad-agad itong umalis ng condo kagabi. Inatake sa puso ang ama nito kaya kailangan nitong umalis kagabi. Nang malaman niya ang tunay na nangyari ay nakokonsensiya tuloy siya sa kanyang nararamdaman kagabi. Ngayon, iiwasan na niyang mag-isip kung ano-ano sa kanyang nobya. Agad niyang pinatakbo ang kanyang sasakyan at bago pa man siya nakalayo ay namataan niya si Sandy na naglalakad. Pero imbes na huminto siya sa tapat nito para ihatid na lamang sa trabaho nito ay mas pinili niyang lagpasan na lamang ito dahil umiiwas na rin siya sa magiging resulta kapag ihahatid niya ito sa trabaho nito. Natatakot kasi siya na baka malaman ni Monique na may ibang babae siyang pinasakay sa kotse niya ay baka magiging sanhi pa iyon ng kanilang away. Kaya hangga't maaari ay iiwasan na lamang niyang makagawa siya ng mga dahilan para magkagalit sila ng kanyang nobya. Mabuti na lang din at hindi siya napansin ni Sandy at isa pa, hindi naman kilala ng dalaga ang kotse niya kaya nang nilagpasan niya ito ay wala rin itong naging reaksiyon. Sa araw ding 'yon ay sinimulan na ni Sandy ang pag-organize ng wedding nina Michael at Monique. Kasama ang kanyang mga pinagkakatiwalaan sa kompanya ay sisikapin nilang magawa nila ng maayos ang nalalapit na kasal ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD