"Hayop ka!" bulyaw nito sa kanya kahit pa hindi pa siya naka-recover sa pagkagulat niya dahil sa ginawa nitong pagsampal sa kanya. "Monique?!" gulat na sambit sa pangalan ng mga kasamahan niya sa kompanya at agad na pinigilan ang dalaga nang akma siya nitong dakmain. Napahawak siya sa kanyang pisngi na tinamaan ng palad nito. Ramdam pa rin niya ang sakit pero ramdam naman niya ang sobrang sakit na nararamdaman ni Monique nang mga oras na 'yon. "Let me go!" sigaw nito habang nagpupumiglas para makawala mula sa mahigpit na pagkakahawak nina Marah sq braso nito. "Let her go," mahinang sabi niya sa mga ito. Nagdadalawang-isip sina Marah dahil sa takot na baka kung ano ang gagawin nito sa kanya kapag nakawala ito. "Marah," sabi niya kaya labag man sa kalooban nina Marah ay wala na rin si

