"Salamat sa tulong niyo sa akin," nakangiting saad ni Sandy nang maihatid na siya ni Romnick sa labas ng condominium kinabukasan. Maaga siyang pinuntahan ng dating nobyo sa hospital kung saan siya dinala ng mga ito saka agad na inayos nito ang kanyang paglabas. Hindi na nakasama pa si Marah dahil marami rin itong aasikasuhin sa kanyang kompanya kaya mag-isa lamang si Romnick sa pag-aasikaso sa kanya kahit na ilang beses na rin niya itong tinanggihan. "Okay lang ba talaga sa'yo na hanggang dito lang kita ihahatid?" Marahan siyang tumango saka sapilitang ngumiti. "Okay lang." "Sige. Pero kung may kailangan ka, tawagan mo 'ko o di kaya si Marah. Okay?" Muli siyang napatango at agad namang umalis si Romnick. Mabuti pa si Romnick, kahit na hindi na sila hindi pa rin talaga ito nagbabag

