CHAPTER 56

1691 Words

"Sandy!" sigaw ni Marah mula sq kabilang linya habang naririnig nila ang sigaw ng kanyang kaibigan. "Huwag!" muli pang sigaw ni Sandy mula sa kabilang linya kaya lalong nagwala ang kalooban ni Marah sa mga naririnig. Si Romnick naman ay lalong binilisan ang kanyang pagtakbo habanh humihigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. "Romnick, si Sandy!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Marah. "She will be okay," ani Romnick kahit na ang totoo ay masama na rin ang kutob niya pero hinihiling pa rin niya na sana ay maabutan nila si Sandy sa maayos na kalagayan. "Bitiwan mo ako!" sigaw pa ni Sandy habang pinipilit na makawala mula sa mahihigpit na pagkakahawak ng lalaki sa kanya. "Akin ka lang! Akin!" paulit-ulit nitong sigaw habang kinaladkad siya nito papalapit sa higaan na nandu'n. Mabilis siy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD