"Teka! Bakit parang ibang daan na ang binabaybay natin ngayon?" nagtatakang-tanong ni Sandy sa inaakala niyang si Romnick. Hindi ito umimik kaya nagsimula na siyang mag-isip ng hindi maganda rito. Magmula pa kasi sa restaurant, madalang lang talaga ito magsalita na siyang ikinataka niya dahil hindi naman talaga ganu'n sa kanya ang dating nobyo kahit pa sa kabila nang nangyari sa kanila. "Romnick, saan tayo pupunta?" muli niyang tanong pero nanatiling tikom ang bibig nito na siyang lalong nagpalaki sa kanyang pagdududa rito pero ang kabilang utak naman niya ay nagsasabi sa kanya na hindi siya dapat mag-isip ng ganu'ng bagay sa dating nobyo dahil alam niyanb hindi iyon magagawa nito sa kanya. Alam niyang may respito itong tao at wala sa ugali nito ang gumawa ng mga bagay na hindi magan

