Habang abala si Michael sa kahahalungkat ng mga documents na nasa ibabaw ng kanyang mesa ay biglang tumunog ang kanyang phone at nang buksan niya ay nakita niya ang pangalan ni Monique. Noong una ay hindi niya ito pinansin pero nag-text ito uli. Just want to talk to you. I just want to say sorry in person. After nito, hindi na kita guguluhin. Pangako. Muli niyang inilapag ang kanyang phone sa ibabaw ng kanyang mesa. Napasandal siya sa kanyang swevil chair at napaisip siya. Kung pagbibigyan niya ito ngayon, sana naman ay hindi na ito manggugulo sa kanilang dalawa ni Sandy. Pupuntahan niya ito para naman matapos na ang lahat ng ano mang namamagitan sa kanila noo at maipaliwanag na rin niya nang maayos dito na kahit na anong gawin nito ay sadyang wala ng pag-asa para sa kanilang dalawa.

