"What are yo doing here?" sarkastiko niyang tanong sa dating nobya. "I just want to talk to you," sabi nito habang nakayuko na tila ba nahihiya dahil sa pagsulpot nito sa kanyang opisina. "We're done talking, Monique. Nasabi ko na ang lahat ng mga gusto kong sabihin sa'yo," matigas niyang saad. In-open niya ang intercom na nasa mesa niya saka siya nagsalita, "Bring her out of here," aniya habang nanatili siyang nakatingin dito. "Yes, Sir," maagap namang sagot ng kanyang secretary. "Michael, please," mangiyak-ngiyak na pakiusap nito sa kanya pero talagang bato na ang kanyang puso para rito. "Ma'am?" tawag kay Monique ng secretary ni Michael. "Michael, nakikiusap ako," umiiyak na saad nito. Tumayo siya at saka dahan-dahan siyang lumapit dito para masabi niya nang mas malinaw dit

