Agad akong naglinis ng katawan ko nang magawa kong umakyat sa taas. Good thing that Hunter didn't follow me dahil masyadong okupado ang isip ko ngayon sa nadiskubre namin ni Hudson kanin lang. Hanggang ngayon din ay iniisip ko sa kung para saan ang ibinayad ng opisina ng Presidente sa El Carter. Wala naman akong alam na naging trabaho ng organisasyon na may kinalaman sa kaniya nitong mga nakaraang araw o buwan. Wala ring nakalagay sa mismong idineposit kong para saan iyon. For the President to pay that huge amount, paniguradong malaki ang nagawa ng El Carter para sa kaniya. Nakapasok na lang lahat-lahat si Hunter sa kwarto namin ay hindi ko pa rin nagawang magpahinga. I didn't even bother in faking na nakatulog na ako. "I thought you're going to take a rest," aniya. I looked at him ngu

