We were escorted by his father's men habang papunta kami sa mansyon nina Hunter dahil doon namin napag-usapang magkikita-kita. Sa kabila ng lamig ng aircon, ramdam ko ang pamamawis ng kamay ko. My foreheads sweating bullets. I looked at Hunter and he's sitting comfortably on his father's Lamborghini na sumundo sa amin. As much as we want to have a private transportation upon going to the dinner, but the President disagreed on that. Kailangan daw nitong masiguro na secured ang anak sa pagpunta sa mansyon. Hearing him say that ay parang suntok sa sikmura ko. Both of them sure have a way to make people vomit out of their mouth.
"Don't be scared, I am here," ani Hunter at saka hinawakan ang kamay ko.
Scared? Why would I be scared? In fact, I could kill them both in a swift but I won't. Ayokong mapabilis ang mga buhay nilang dalawa dahil hindi dapat. Gusto ko, kung magdurusa sila, iyong dahan-dahan. Iyong sila mismo ang gugusto na mawala na lang sila sa mundong ito. As much as possible, I have to make sure that I will be Hunter's everything, and once I figured out what the President treasures the most aside from his power and wealth, doon ako aatake sa kanilang dalawa. Just like what they did to me, I'll take everything away from them.
I gave him my sweetest smile. "I am anxious but I am not scared," I said. "That word's not even in my vocabulary."
He chuckled upon hearing my statement. Nakitawa rin ako rito nang hindi siya makahalata na minimean ko ang mga salitang iyon. Sa tingin ko ay akala nito na pinipilit ko ang sarili ko na tatagan ang loob ko. Unluckily for him, I am not. I get anxious most of the time dahil kailangan ko ng sobrang pag-iingat para maisagawa ko ang lahat ng plano ko, but being scared is on another level na malayo sa kung nasaan ako.
"Master, we have arrived at our destination," the driver of the Lamborghini informed us. Napatingin ako kay Hunter at malapad ang naging pagngiti nito na tila excited siya sa pagtatagpo namin ng tatay niya at sabihin dito ang tungkol sa aming dalawa. Their men opened the door for us both at sabay kaming bumaba ni Hunter ng sasakyan. Hunter immediately went to ny direction.
"Shall we?" he asked while offering his arm for me to hold. I smiled at saka iniangkla ang kamay ko roon.
"Let's go," sagot ko. Sinipat ko ang mansyon na papasukan namin. Punong-puno ng mga gwardiya ang paligid, maging nang magawa na naming makapasok sa malaking gintong gate ng bahay, marami pa rin ang nakita kong rumuronda sa loob na tila bawat sulok ng bahay na ito ay mayroong bantay. Gano'n na ba katakot ang Presidente na may magtangka sa buhay niya?
"He's receiving a lot of death threats recently so my dad decided to put bunch of his men in this mansion. That made me uncomfortable so I chose to buy my own condo," aniya.
"I see," ani ko. Kung pagaganahin ng Presidente ang kapangyarihan at kayamanan niya, I doubt na kakailanganin niya pa ang ganito karaming tao. After all, magaling naman siya sa gano'n. Noong senador pa lamang siya ay gawain niya na ang gano'ng bagay.
Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto sa harapan namin bago pa man iyon mabuksan ni Hunter, and there I saw the face of the man who killed my family. Rage popped through my veins nang makita ko ang pagmumukha nito, lalo pa nang ngitian niya kami.
"President Theodore Smith...nice seeing you."