"You must be the Nathalia that my son was talking about," ani nito at saka inabot ang kamay ko at hinalikan iyon. "It's my pleasure meeting you."
Tanging ngiti ang naiganti ko sa paraan ng pagbati nito sa akin. Ayokong magbitaw pa ng mga salita dahil hindi ko alam kung hanggang saan ang pagtitimpi ko. Kailangan ko munang ikalma at kontrolin ang loob ko bago ako makipag-usap sa kaniya.
Binalingan nito ang kaniyang anak at ito naman ang binati. Bahagyang tumalim ang pagtingin ko rito dahil tandang-tanda ko ang itsurang iyon. Ang bawat ngiting ibinibigay nito ay parang patalim na sinasaksak ako nang paulit-ulit. Paano niya nagagawang ngumiti gayong ang laki-laki ng kasalanan nito sa akin—at prolly may iba pa na nakaranas din ng kagagawan at kasamaan nito.
"Dad, we have an important announcement but please, let us come in first," ani Hunter sa ama at natawa sila pareho. Pilit na pilit naman ang naging pagngiti ko sa nasasaksihan.
Inaya kami ng ama ni Hunter na pumasok sa mansyon nila at doon ay mas nakita ko kung gaano karangya ang buhay na mayroon sila. Mula sa mga paintings na nakadisplay, sa mga simple at magagarang disenyo at detalye na makikita sa loob ng bahay na 'yon, tiyak na kahit sino ay sasama ang loob, hindi dahil sa inggit kundi dahil mapapaisip ka na kung ilang pamilya ba ang pinagdusa nito at tinanggalan ng karapatan sa ganitong klaseng pamumuhay.
Maraming pagkain ang nakahanda sa mesa ngunit hindi ko maramdaman ang gana ko sa pagkain. He invited us to the dining hall at doon ay mas kinausap nito si Hunter tungkol sa mga businesses na inaasikaso nito. Ito rin ang unang beses na nakita kong seryoso ang mukha ni Hunter. It was clear to me that he wanted it so bad to make sure na naiimpress niya ang kaniyang ama. By the way he talked to him, kitang-kita rito na takot itong magkamali. Being the son of a President must be so stressful after all.
A server served us a glass of champagne. Agad kong tinikman iyon and I wasn't surprised nang malasahan ang pamilyar na lasa. 1996 Dom Perignon Rose Gold Methuselah, hindi ako pwedeng magkamali. Hindi na rin naman na nakakagulat dahil sa rangya ng buhay na mayroon sila, barya na lang ang ipinambibili nila ng mga ganitong uri ng inumin kung tutuusin.
"I am glad to see that you're enjoying yourself with the champagne I prepared just for this evening," saad ng ama ni Hunter habang nakatingin sa akin. "For a beautiful lady to grace our dining table and a special someone to my son, it is a pleasure to let you have a taste of Dom Perignon. I am sure, this is your first?"
"Second, actually," I answered. Pagsisinungaling ang ginawa ko dahil hindi ito ang pangalawang beses na natikman ko ang alak na ito. In fact, maraming beses na. Paborito ni Damira ang inuming 'to kaya kada may ganap kami sa El Carter, hindi mawawala ang Dom Perignon. How rude of him to think na siya lang ang may kakayahang bumili ng mga ganitong uri ng inumin. He must've thought high of himself.
He cleared his throat. "They say, things are sweeter the second time around," aniya.
Hindi na ako muling sumagot at inubos na lang ang laman ng baso ko. Hunter looked at me at bahagya akong ngumiti rito.
"Dad, about our announcement—"
"Let's eat first," ani ng ama na pumutol sa dapat ay sasabihin ni Hunter.
"We're getting married," saad ko. Bumalot ang katahimikan sa hapag dahil sa sinabi ko. May pailan-ilan akong narinig na bulungan mula sa mga nagsiserve sa mansyon but they stopped when the President cleared his throat. "Hunter and I have decided to get married as soon as possible, Mr. President."
"Are you pregnant?" he asked. Umiling ako bilang tugon.
"We realized that we can't live without each other and that we seek each other's presence once in a while. We are..." I breathed, "in love."
Hindi ito nakasagot. Wala rin akong ibang nasabi. Nakatingin lang ako kay Hunter na tila nagulat sa ginawa ko. He's scared to announce it to his father kaya ako na ang gumawa. Siguro'y naiisip nito na baka nadidisappoint sa kaniya ang kaniyang ama dahil sa desisyong ito.
"In that case, if it is for my son's happiness, I will allow the wedding to happen," he uttered. "But there are a lot of things to consider when you marry my son."
"I don't care about your wealth, sir, if that's what you're worried about," sagot ko. Alam kong ang yaman nila ang tinutukoy niya at gusto nitong protektahan. Wala naman itong dapat pangambahan dahil hindi kayamanan ang habol ko sa pamilya nila. In fact, I am seeking for something na mas malaki pa kesa sa kayamanang mayroon sila.
He hummed a little. "I am quite surprised because you are a courageous young woman, Nathalia," he said as he took a sip of his own champagne. "Now, I couldn't be more excited to find out what's more to know about you."